441 golds ang paglalabanan sa 23rd SEA Games
April 30, 2005 | 12:00am
Magkakaroon na ng kabuuang 441 gold medals na paglalabanan sa Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa taong ito matapos aprubahan ng SEA Games Federation Council ang karagdagang 53 events sa kanilang pagpupulong kahapon sa Hyatt Hotel.
Mula sa dating 388 medals pinayagan ng 11-member countries ng SEA Games Federation Council ang hiniling na karagdagang events ng 20 sports disciplines.
Bagamat isang taon bago ang aktuwal na kompetisyon ang dead-line ng pagpa-finalize ng mga events, pinayagan ng SEAGF Council para sa pagpapakita ng pagkakaisa.
"Our guest were very receptive and they immediately saw the wisdom behind our explanations so they agreed to waive the rules restricting the numbers of events per sports," wika ni Philippine Olympic Committee president Jose Peping Cojuangco.
Ang karagdagang events ay nilikom ng Sports and Rules Committee na pinangungunahan ni athletics chief Go Teng Kok matapos kon-sultahin ang 41 national sports associations.
Sa naturang meeting ay ginanap din ang official turnover ng pagkapangu-lo ng Council kay Co-juangco na siyang pumalit kay dating POC president Celso Dayrit.
Ibinalita rin ni Co-juangco, ang chief operating officer ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHILSOC) na nasa schedule ang paghahandang isinas-gawa ng bansa sa pagho-host ng biennial meet sa Nov. 27- Dec. 5.
Sa likod ng karagdagang 53 events, sinabi ni Cojuangco na hindi na-man magkakaroon ng malaking karagdagan sa gastos kundi madadagdagan lamang ang trabaho ng mga game officials. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am