14 PBL players kandidato sa National Team para sa SEABA
April 29, 2005 | 12:00am
Labing-apat na manlalaro mula sa Philippine Basketball League (PBL) ang napili ni coach Chot Reyes para maging kandidato sa National team na isasabak sa Southeast Asian Basketball Association (SEABA).
Nangunguna sa listahan ni Reyes, na inatasan ni Philippine Olympic Committee president Peping Cojuangco na mangasiwa ng Pambansang koponan na isasabak sa SEABA Tournament na nakatakda sa June 20-25 sa Singapore ay sina L.A. Tenorio ng Ateneo, UAAP Most Valuable Player na si Arwind Santos ng Far Eastern at ang La Salle hotshot na si Mark Cardona.
Ang tatlong ito kasama ang 11 pang PBL Players ay mag-eensayo kasabay ng national pool ng Cebuana Lhuillier bilang Team B kung saan ang Team A ay pool ng mga napiling manlalaro mula sa Philippine Basketball Association ni Reyes.
Kabilang din sa training pool na isinumite ni Reyes kay PBA Commissioner Noli Eala ay sina Froilan Baguion, Dennis Miranda, Gabby Espinas, Jay-R Reyes, Jondan Salvador, JR Quiñahan, Abby Santos, Cesar Catli, Jett Latonio, Jason Misolas at Eric dela Cuesta.
Ibinigay din kay Reyes ang responsibilidad ng pag-pili ng coach para sa SEABA team na inaasahang ihahayag nito sa Lunes sa meeting ng PBA Board of Governors.
Ang SEABA ay ang regional qualifying para sa Asian Basketball Confe-deration (ABC) Championships na nakatakda sa Doha, Qatar sa susunod na taon na siya namang tuntungan para sa World Championships at Olympics ng PBA. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended