^

PSN Palaro

Isang commissioner papalitan na

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Ako po naman eh magtatanong lang--- tutuo kaya ang tsismis na kumakalat sa basketball community na ang isang commissioner ng isang basketball league ay nasa huling termino na niya at papalitan na rin sa kanyang puwesto sa susunod na botohan ng mga bumubuo sa board?

Tulad ng sinabi ko, ako po ay nagtatanong lang at nagha-hanap pa ng kasagutan.
* * *
May nagtatanong sa amin--- sina Kyla at Richie Alvarez na nga ba ang mag-on?

Sus naman, di ba obvious?

Sila na nga noh?
* * *
Nagkita ang isang sikat na PBA player at ang hiniwalayan niyang asawa sa isang party.

Matagal nang hindi nagsasama ang dalawa and in fact, nagka-demandahan pa nga sila.

Dahil inuman ang party, nalasing ang dalawa.

Nagkausap at sa isang iglap, nawala sa party at yun pala ay tumuloy sa isang lugar kung saan naganap ang "milagro".

Ang ending--- nabuntis si misis!

Pero hindi yan naging dahilan para magkabalikan sila.

Hiwalay pa rin sila.

Kawawa naman si misis-- buntis na naman na walang asawa!

Sino si PBA player?

Nakupo, kilalang-kilala n’yo siya.....
* * *
Ubod daw pala ng palpak yung team na galing sa Italy na dapat eh lalaro sa PBA Invitational.

Nakipaglaban daw ito sa Cebuana Lhuillier at tinambakan ng husto.

Paano mo pa aasahang mananalo yan sa mga PBA team?

Kaya hayun, umuwi tuloy ng di oras at di na nakita sa PBA?

Sa panahong ang hirap ng pera ngayon, bakit kasi naman ang PBA eh kahilig pang mag-imbita ng mga foreign teams?

Hindi naman yan type ng mga Pinoy kaya kita n’yo yung laro nila, nilalangaw!

Biro mo ang gastos ng PBA d’yan--accomodation, hotel1, pakain,  pa-kotse etc. etc.

Hay naku...

vuukle comment

BIRO

CEBUANA LHUILLIER

CENTER

DAHIL

HIWALAY

ISANG

KAWAWA

PBA

RICHIE ALVAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with