PBL Unity Cup: Montaña kumikinang
April 27, 2005 | 12:00am
Nanatiling walang talo ang league leader na Montaña Pawnshop nang kanilang hatakin ang ikaanim na sunod na panalo matapos dominahin ang laro laban sa Negros Navigation-San Beda tungo sa 86-59 panalo sa PBL Unity Cup na nagbalik sa Pasig Sports Center kahapon.
Gumana ang mga second stringers ng Montaña sa pangunguna ni Chris Baluyot na tumapos ng 17-puntos upang banderahan ang Jewels na higit na nagningning sa pangkalahatang pamumuno.
Humataw sina Yousif Aljamal at Noy Javier ng eksplosibong laro sa pagkamada ng 19 at 16-puntos ayon sa pagkakasunod ngunit walang naasahang tulong mula sa kanilang kasamahan sanhi ng kanilang paglu-nok ng ikaanim na sunod na kabiguan na naglagay sa NENACO-SBC sa bingit ng pagkakasibak sa kontensiyon.
Ang anim na puntos na bentahe ng Montaña sa halftime, 38-32 ay lumobo ng 28-puntos sa pagta-tapos ng ikatlong quarter, 61-43 at hindi na ito nagawang tibagin pa ng Negros Navigation.
Sa unang laro, pinalakas ng Magnolia Ice Cream ang kampanya sa pagdedepensa ng titulo matapos ang 97-75 panalo laban sa Bacchus Energy Drink.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended