^

PSN Palaro

SIRANG SCHEDULE

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Sana ay mayroon tayong matutunan sa Iranian National team na nakalaban ng Philipine team na hanggang ngayon ay binubuo pa rin ni coach Vincent "Chot" Reyes.

Sa tutoo lang, medyo naiinip na rin ang mga local basketball fans sa development ng RP team. Kasi nga’y nagkaroon ng magandang publisidad ang proseso ng pagpili sa magiging head coach nito noong Disyembre. Dahil sa maganda naman ang programang inilahad ni Reyes, siya ang napili na humawak sa RP Team.

Ang siste’y hindi naman nasunod ang kalendaryo ni Reyes dahil sa nagkagulo-gulo bunga ng Paul Asi Taulava controversy sa Finals ng Philippine Cup. Ayon sa kalendaryo ni Reyes, dapat ay February 1 ilalahad ang pangalan ng mga pasok sa pool pero ito’y naiurong ng isang buwan.

Naalala nga ng ibang sportswriters ang sinabi ni Reyes na "What’s the use of a calendar if you won’t follow it?"

Pero ganoon talaga, e. Kailangang i-adjust ang programa ni Reyes.

Pagkatapos ng isang buwang pagkabalam, hindi din natuloy ang unang pocket tournament ng PBA kung saan makakalaban sana ng RP Team ang mga koponan buhat sa Taipei at Japan dahil sa hindi dumating ang mga ito.

At heto nga, sa kasalukuyang pocket tournament ay dapat na dalawang foreign teams ang kalaban ng RP squad. Bukod sa Iranian National team ay kalaban din sana nila ang Pirelli of Italy.

Unang dumating sa bansa ang Pirelli at kumpleto ang line-up nito. Sabi nga sa press release, matangkad at mga bata ang players nito. Bale may average height ito na 6’5. Aba, mukhang matindi, kung paniniwalaan ang press release.

Pero noong Sabado ay nagkagulo ang lahat matapos na tambakan ng Cebuana Lhuillier ang Pirelli of Italy sa isang tune-up game. Hindi nga ba’t ang Cebuana Lhuillier ay tinuligsa (kasama na ang Basketball Association of the Philippines (PBA) matapos na matalo ito sa Parañaque Jets.

Kung kaya ng Cebuana Lhuillier ang Pirelli of Italy, di hamak na kaya ito ng RP Team na binubuo ng mga professional players. At siyempre, kaya din ito ng Parañaque Jets!

So, walang matututuhan ang RP team kung makakalaban pa nito ang Pirelli. Kaya nahihiyang umalis ng bansa ang mga Italyano. Mayroon pa ngang nagsabi na tila mga kusinero’t istambay lang ang mga ito na nagnanais na magbakasyon sa Pilipinas.

Aba’y kung sino mang Herodes ang nakipag-ugnayan sa Pirelli of Italy para lumahok sa PBA pocket tournament, dapat ay ipako sa krus. Hindi ba niya nilinaw na kailangang malakas ang ipadala ng Italy? O baka sadyang mahinang team ang hiningi niyang dumating para kayanin ito ng RP team at medyo tumaas ang morale natin?

Tsk, tsk, tsk. Sayang ang oras, e. Hindi nasusunod ang kalendaryo ni Reyes.

Kunsuwelo na nga lang natin na sana’y may matutunan tayo kahit paano sa mga Iranians.

Sana!

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CEBUANA LHUILLIER

IRANIAN NATIONAL

PAUL ASI TAULAVA

PERO

PIRELLI OF ITALY

REYES

TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with