^

PSN Palaro

Isa pang lady cue artist magpapakitang-gilas

-
Inaasahang magpapasiklab ang lady cue artist na si Toni Ann Nobleza sa harap ng kanyang mga kababayan sa pagho-host ng Team Cavite sa Team Manila sa pagdako ng TM 9-Ball Champions League sa SM Supermall sa Dasmariñas.

Tiyak na magiging mahigpit ang laban na ito ni Nobleza laban sa isa pang lady cue artist na si Ruby Merces na isa sa pangu-nahing manlalaro sa event na ito na inorganisa ng Rocketman Enterprises Inc. at suportado ng Touch Mobile, Brunswick at Accel.

Binanderahan ni Merces ang Team Manila ni Arnold "Ali" Atienza sa 5-1 panalo laban sa Panga-sinan sa punum-punong SM Supermall activity area sa Batangas City noong nakaraang Lunes at inaasahan na ang kanyang showdown kay Nobleza, na nagdadala sa kulay ng Team Cavite ni Gov. Ayong Maliksi sa 5-2 panalo laban sa Pasig squad ni Cong. Dodot Jaworski, ang magi-ging tampok sa IBC-13 telecast ng TM 9-Ball Ang Bagong Sibol program, na magsisimula sa alas-9 ng gabi sa April 28.

Ang programa sa IBC-13 na TM 9-Ball Ang Bagong Sibol, na ipapalabas tuwing Lunes sa ganap na alas-9:30 hanggang alas-10:30 ng gabi ay mayroon ding trick shot at instructional segment na tiyak na aagaw ng atensiyon hindi lamang ng mga players kundi ng mga manonood.

Sasandal naman ang Pam-panga, nagwagi sa Makati, 5-3 noong unang araw, ay makaka-harap naman ang Pasig habang ang Batangas at Makati ay mag-uunahan sa unang panalo.

Naghahanap din ng players na nagpapahalaga sa team play, sportmanship at magandang work ethic ang organizers na sina Ramon Tuason at Touch Mobile brand manager Norman Miranda sa pamamagitan ng TM (Taco Master) Kid award na side event ng palaro.

vuukle comment

AYONG MALIKSI

BALL ANG BAGONG SIBOL

BALL CHAMPIONS LEAGUE

BATANGAS CITY

DODOT JAWORSKI

MAKATI

NOBLEZA

TEAM CAVITE

TEAM MANILA

TOUCH MOBILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with