^

PSN Palaro

BEACH FOOTBALL, MANANALASA

- v -
SUBIC-- Naging matagumpay ang ika-10th National Beach Football Championship na ginanap dito sa boardwalk sa tabing-dagat ng Subic. Sampung koponan sa mga kalalakihan at sampung grupo din ng kababaihan ang lumahok. Kabilang dito ang isang grupo ng mga mahuhusay na mga kababaihang high school ng De La Salle-Zobel.

Bagamat isang dekada na ang sports sa bansa, hindi pa malinaw ang relasyon ng beach football sa tradisyunal na laro na sumasailalim sa Philippine Football Federation. Subalit kung tutuusin, baka mas madali-- at siguradong mas mura--ang beach football kaysa sa larong nakasanayan na natin. Isang dahilan ay mas kaunti ang kailangang player sa beach football kaya mas mura ang gagastusin tuwing bibiyahe.

Sumisikat na ng husto ang beach football (beach soccer sa ibang bansa) dahil mas mataas ang mga iskor ng mga koponan at di hamak na mas maikli ang laro: 15 minuto lamang. Sa orihinal na soccer, mataas na ang dalawang goal sa bawat koponan, samantala sa beach football, lima o anim na goal ang nagagawa ng bawat team. At siyempre, mas nakakaakit ng manonood ang pagsuot ng swimsuit ng ilan sa mga manlalaro.

Sa ikatlong linggo ng Mayo, gagawin ang huling yugto ng torneo sa Boracay. Dahil wala tayong national team, marahil ay dito mag-mumula ang mga kakatawan sa Pilipinas sa mga international competition. Tandaan natin na salisi ang kinikilala naging tag-init (Marso hanggang Mayo) kaysa sa halos lahat ng ibang bansa (Hulyo hanggang Setyembre).

Ayon kay Mike Athab, pangulo ng Beach Football Association of the Philippines o BFAP, ang susunod na sport na papasok sa Pilipinas ay ang handball. Magandang panoorin, mabilis ang aksiyon at may hawig sa basketball. Naglulundagan at nagliliparan ang mga player, at maaaring laruin kahit saan. Matataas ang iskor at mabilis ang takbuhan. Parang pinaghalong soccer at basketball. Bagay na bagay sa mga Pilipino dahil hindi na kinakailangan ng taas. Pinag-aaralan na ngayon kung papaano irerehistro ang sport, at kung ano ang mga magiging patakaran sa pagpapatakbo ng organisasyon at kung ano ang magiging relasyon nito sa Philippine Sports Commission. Dapat nating subukan ang beach football at pati na rin ang handball, dahil malaki ang pag-asa nating magkampeon sa international competition. Hindi mahirap matutunan at madaling suportahan ng gobyerno o pribadong sektor.

BEACH

BEACH FOOTBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

DE LA SALLE-ZOBEL

FOOTBALL

MAS

MIKE ATHAB

NATIONAL BEACH FOOTBALL CHAMPIONSHIP

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with