^

PSN Palaro

Italian team umatras,Pocket tourney tuloy

-
Para hindi na mapahiya pa ng husto, minabuti ng Italian team na umatras na lamang sa PBA pocket tournament at dahil dito, umaasa ang lahat na mabigat na hamon ang maibibigay ng koponan mula sa Iran para masukat ang kakayahan ng PBA RP training pool.

Nakiusap ang Italian team kay PBA Commissioner Noli Eala noong Biyernes ng gabi sa isang emergency meeting sa Hotel Astoria kung saan sila naka-billet upang payagan silang mag-withdraw sa mini tournament matapos hiyain ng RP-Cebuana Lhuillier, 89-25 sa kanilang scrimmage.

Idinahilan ng Italy ang pagkawala ng kanilang malalakas na players na hindi nakasama sa biyaheng ito kaya naparalisa ang kanilang line-up.

At para makabawi sa PBA sa ginastos sa kanilang pagpunta rito, nangako silang magbabalik sila dito sa bansa na mas malakas ang line-up at aakuin na nila ang gastos.

Dahil dito, kinailangang baguhin ang format ng torneo kung saan kakalabanin ng Iran ang National squad na hinati ng patas ni coach Chot Reyes na hindi natuwa sa pangyayari.

Kakalabanin ngayon ng Iran sa alas-6:00 ng gabi sa Araneta Coliseum ang RP Team A na binubuo nina Dondon Hontiveros, Romel Adducul, Mike Cortez, Willy Miller, Renren Ritualo, Sonny Thoss, Danny Seigle, Kerby Raymundo, Yancy De Ocampo at ang Fil-Am na si Kelly Williams.

Ang Team B naman na kinabibilangan nina Enrico Villanueva, Jimmy Alapag, Rafi Reavis, Anthony Washington, Nic Belasco, Eric Menk, James Yap, Mark Caguioa, Tony dela Cruz at Brandon Lee Cablay ang masusubukan ng Iran bukas sa Big Dome din.

Wala sa orihinal na 22-man pool sina Williams at Cablay ngunit idinagdag ito ni Reyes pamalit sa mga injured na sina Jay-jay Helterbrand at Dorian Peña.

Hindi pa tiyak kung magkakaroon ng laro sa Martes na orihinal na schedule ng finals. Kung magpapakita ng magandang performance ang Iran pinalakas ng apat na national team members, posibleng pagsamahin ang dalawang RP squad para kalabanin ang Iran sa Martes. (Ulat ni CVOchoa)

vuukle comment

ANG TEAM B

ANTHONY WASHINGTON

ARANETA COLISEUM

BIG DOME

BRANDON LEE CABLAY

CEBUANA LHUILLIER

CHOT REYES

COMMISSIONER NOLI EALA

DANNY SEIGLE

DONDON HONTIVEROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with