Kumana ang 5-foot-6 na si Baguion ng isang lay-up sa huling 9.1 se-gundo ng labanan upang makakawala ang Jewels sa 72-pagtatabla ng iskor tungo sa kanilang ikalimang sunod na panalo upang higit na magningning sa pangkalahatang pamumuno.
Si Baguion na siya ring kumana ng game-winning basket sa 88-86 overtime win laban sa Welcoat, ay tumapos lamang ng siyam na puntos ngunit kinumplimentuhan ng kanyang krusyal na basket ang 20-puntos, 10-rebounds at dalawang assists ni Jondan Salvador na bumandera sa koponan.
"Its all heart even though all the odds are against us. My players never gave up. Its our fighting spirit that brought us here," wika coach Robert Sison matapos mapanatili ng Montaña ang malinis na katayuan.
Bumangon mula sa siyam na puntos na pagkakahuli, kumana ng tig-isang tres sina Eric dela Cuesta at Alex Compton sa 12-3 run upang itabla ang iskor sa 72-all, 38.4 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
May pagkakataon ang Letran Knights na kunin ang liderato, ngunit nagmintis si Emerson Oreta sa kanyang dalawang freethrows at nagkaroon ng tsansa ang Montaña na angkinin ang panalo nang isagawa ni Baguion ang kanyang kabayanihan.
Sa kaagahan ng ikaapat na quarter, nagbida sina Oreta, Mark Macapagal at JP Alcaraz sa 14-7 produksiyon upang kunin ang 69-60 bentahe, 3:49 minuto sa ikaapat na quarter. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)