Hotdogs pinulutan ng Beermen
April 21, 2005 | 12:00am
Nakabangon na sana ang Purefoods TJ Hotdogs sa sunod-sunod na talo, ngunit ipinagkait ito ng kanilang sister team na San Miguel Beer na sumandal sa kabayanihan ni Dondon Hontiveros na umiskor ng winning basket tungo sa kanilang 71-70 panalo kagabi sa pag-usad ng eliminations ng Gran Matador-PBA Fiesta Conference sa PhilSports Arena.
Tanaw na ng TJ Hotdogs ang panalo nang igawad kay Noy Castillo ang dalawang puntos nang tawagan ng goal tending si San Miguel import Chris Burgess upang makakalas ang Purefoods sa 68-all at hawakan ang 70-68 kalamangan, 22 segundo na lamang ang nalalabi oras sa laro.
Sinikap na depensahan ng Purefoods ang kanilang hawak na liderato ngunit nakawala ang matinik na si Hontiveros at pinakawalan nito ang kanyang game-winning triple na siyang susi sa ikapitong panalo ng Beermen matapos ang 10 pakikipaglaban na lalong nagpatatag sa kanila sa solong liderato.
Tumapos si Hontiveros ng may 9 puntos, 6 rebounds, 2 assists at 1 steal.
Lalong nalugmok ang Purefoods na lumasap ng kanilang ikalimang sunod na kabiguan sanhi ng kanilang pagdausdos sa 4-6 kartada.
Samantala, sa pagpapatuloy ng PBA Road game, dadako naman ang aksiyon sa Calape, Bohol kung saan magsasagupa ang No. 2 team na Talk N Text (5-3) at Red Bull (4-4).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended