^

PSN Palaro

Quezon City humakot ng tatlong ginto

-
Umani ng tatlong gintong medalya ang Quezon City at nanguna sa isang special event gayundin si national mainstay Marites Bitbit sa Day Seven ng First Philippine Velo Challenge sa Amoranto Velodrome.

Tinangkang maghabol ng Elixir sa kanilang sinungkit na dalawang golds sa event na co-presented ng First Gentleman’s Foundation at Air21 (Sagot Ko, Padala Mo!)-Tour Pilipinas Inc., sa iba pang koponan sa team event at umuwing tagumpay bawat isa sa 10 karerang nakatakda kahapon.

Naghari sa Elite men’s si Paterno Curtan, Execu-tives‚ Danny Quirido at Veterans‚ Candido Quirimit sa Keirin races at Erickson Obosa na nanguna sa special event Danish Elimination Race para sa Quezon City na lumapit sa team standing na may 176 points sa likuran ng Elixir (215), Wescor (187), Puerto Princesa City (180) at MayniLA (177) at nauuna sa Tagaytay International Convention Center (98).

Humakot din ng dalawang ginto ang Elixir mula kay Bitbit sa women’s Elite Keirin at individual time trial (1:05.48)-- para daigin si Marita Lucas ng MayniLA (1:08.26) at Lakambini Alto ng Puerto Princesa (1:12.16)-- sa event na suportado din ng Pagcor, Philippine Sports Commission and Philippine Olympic Committee, Isuzu D-Max (the Philippines‚ No. 1 Pickup), Sharp Phils., San Miguel Corp.-Viva Mineral Water, Vittoria Tires, 93.9 iFM, RMN dzXL 558, David‚s Salon at Intrasports .

Nakakuha naman si Jan Paul Morales ng gold para sa Tagaytay sa Juniors, Antonio Quintos ng Wescor sa Masters at Bryan Dimacali para sa Puerto Princesa sa men’s Elite, lahat sa Keirin, habang ang MayniLA, na binubuo nina Michael Zingh, Noli Borjal, Jerwin Torres at Warren Davadilla ay bumandera sa 3,000 meters team pursuit para sa Executives, Masters, Juniors at Elite men na may oras na 3:59.47.

AMORANTO VELODROME

ANTONIO QUINTOS

BRYAN DIMACALI

CANDIDO QUIRIMIT

DANISH ELIMINATION RACE

DANNY QUIRIDO

DAY SEVEN

ELITE KEIRIN

ERICKSON OBOSA

PUERTO PRINCESA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with