Umiskor ng pinakama-laking ingay ang Team Manila ni Manila Sports Council chairman Arnold Ali Atienza nang ipasok nila si Ruby Merces upang hawakan ang komando ng koponan na lala-ban kontra sa Pangasinan, Parañaque, Cavite, Pasig, Pampanga, Makati at host Batangas sa event na ito na hatid ng Touch Mobile, Bruns-wick, Accel, at SM Supermalls.
Mabibinyagan ngayon si Merces, isa sa tatlong lady bets sa torneo, sa kanyang pag-bandera sa Team Manila laban sa Batangas sa abalang araw na sasaksihan ang apat na mabibigat na laban para sa paghahanap ng mga bagong reyna at hari ng bilyar.
Bukod kay Merces, mag-sasalang din ng tig-isang babaeng billiard player ang Team Cavite ni Gov. Irineo "Ayong" Maliksi at Team Parañaque ni Vice Mayor Anjo Yllana.
Ang mga laban ay mag-sisimula sa alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng gabi kung saan ang ibang laban ay kabibilangan ng Pangasinan vs Parañaque, Cavite vs Pasig at Pampanga kontra Makati.
Magdedebut din ang babaeng spotter na si Cez Marquez na haharap kay Tournament Director Mario tolentino, na siyang nag-screen sa tatlong babaeng cue artists bago sila pinayagang lumaro sa kani-kanilang koponan.
Ang TM 9-Ball Show ang tampok sa SM Supermall games sa IBC 13, sa Huwebes at Biyernes, alas-9:30 hang-gang alas-10:30 ng gabi. Sisimulang ipalabas ng IBC-13 ang laban sa Abril 28.