3rd win asam ng Harbour Centre
April 16, 2005 | 12:00am
Bagamat nakadalawang sunod na panalo na ang bagitong Harbour Centre sa kasalukuyang PBL Unity Cup, hindi pa nakukuntento si coach Tonichi Yturri sa performance ng kanyang tropa.
Nais ni Yturri na mag-karoon ng disenteng pagtatapos di tulad ng kanilang huling panalo laban sa Toyota Otis-Letran, 75-73 mula sa kabayanihan ni Mark Cardona.
"I want them to close out the games properly not like in our last two games, parehong cardic finish talaga," sabi ni Yturri. "But I hope well do better next time."
Hangad ni Yturri na makita ngayon ang gusto niyang pagbabago sa pakikipagharap ng Port Masters sa Negros Navigation-San Beda sa pagpapatuloy ng eliminations ng 2005 PBL Unity Cup sa FEU Gym.
Alas-2:00 ng hapon ang sagupaan ng Harbour Centre at Nenaco-SBC na susundan ng sagupaan ng Magnolia Ice Cream at Granny Goose sa dakong alas-4:00 ng hapon.
Taglay ng Port Masters ang 2-1 win-loss slate sa likod ng Welcoat at Montaña Pawnshop na magkasalo sa liderato sa taglay na 3-0 kartada habang ang Negros Navigation ay wala pang panalo sa tatlong laro.
Maghihiwalay naman ng landas ngayon ang Magnolia Wizards at Granny Goose Kornets na tabla sa 1-2 karta kasama ang walang la-rong Toyota-Otis Letran.
Inaasahang maka-katulong ni Cardona sa tangkang ikatlong sunod na panalo ng Harbour Centre sina L.A. Tenorio at Gabby Espinas, ang NCAA Rookie of theYear at MVP winner. (Ulat ni CVO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am