Muros-Posadas, makulay ang pagbabalik
April 16, 2005 | 12:00am
Kasabay ng record breaking performance ni Arneil Ferrera ay ang magandang comebacking performance ni Elma-Muros Posadas na nagbigay kulay sa kampanya ng mga RP athletes sa kasalukuyang 2005 Milo National Open International and Invitational Championships sa Rizal Memorial Track Oval.
Nakopo ni Ferrera ang kanyang ikalawang gintong medalya sa pag-bura ng kanyang sariling record sa hammer throw sa pagrerehistro ng dis-tansiyang 56.74m mas malayo sa dati niyang 55.67m.
Si Ferrera ang unang local bet na naka-double gold medal matapos isubi ang gold sa discuss throw event sa unang araw ng kompetisyon.
Apat na taon nang hindi sumasabak sa kompetisyon ang retirado nang long jump expert na si Muros-Posadas ngunit sa pagbabalik nito sa track ipinakita niyang may natitira pa rin itong asim sa pagsungkit ng ginto sa 100m hurdles.
Dala ng matagal na pagkakatengga, mabagal sa dating record na 13.66 segundo noong 1991 Southeast Asian Games ang oras ni Posadas, isa nang athlete consultant ngayon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanyang oras na 14.90 segundo.
"Medyo nakakapanibago kasi tumaba ako," ani Posadas na nais na muling magdala ng kulay ng bandila ng bansa sa nalalapit na SEA Games na iho-host ng bansa sa Nov. 27-December 5. "Pero okay lang kasi kailangan ko ring magbawas ng timbang."
Sa heptathlon event nais sumabak ni Muros-Posadas sakaling maka-balik ito sa national team, ngunit wala pang katiyakan kung magkakaroon ng naturang event sa SEA Games.
Bukod kina Ferrera at Muros Posadas, naghatid din ng ginto ang iba pang RP athletes na sina Eduardo Buenavista at Maristella Torres.
Lumundag si Torres ng 6.47m sa womens long jump upang talunin sa gold si Lerma Bulauitan-Gabito habang tinapos naman ni Bue-navista ang 10,000m run sa pinakamabilis na oras na 30 minuto at 55.14 segundo.
Tumalon din ng record-breaking gold si Sean Guevarra sa high jump. Tumalon si Guevarra ng 2.17m at takpan ang dating national record na 2.16m na siya rin ang may hawak. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest