Talk N Text lusot sa Purefoods sa OT
April 16, 2005 | 12:00am
Hindi binigo ni import Gerald Honeycutt ang Talk N Text na nagbalik sa kanya sa Philippine Basketball Association nang ibangon nito ang Phone Pals mula sa dalawang sunod na kabiguan sa pamamagitan ng 100-95 panalo sa overtime game laban sa Purefoods sa pag-usad ng PBA Gran Matador Fiesta Conference sa PhilSports Arena kagabi.
Sa pagbabalik-PBA ni Honeycutt, one-time best import, tumapos ito ng 28-puntos, 15-rebounds at anim na assists para sa ikaapat na panalo ng Talk N Text matapos ipalasap sa Purefoods ang ikaapat na sunod na talo, ikalima sa kabuuang siyam na laro.
Si Honeycutt ang nag-patabla ng iskor sa 87-all sa pamamagitan ng kanyang freethrows, 30.7 ang oras sa regulation ay kumamada rin ito ng apat na sunod na puntos sa 10-3 produksiyon na nagselyo ng kanilang tagumpay sa extra period.
Hindi na sana umabot sa overtime ang laro kundi dahil sa turnover ng Phone Pals nang di nakuha ni Willie Miller ang pasa ni Alapag sa huling 12.8 segundo ng labanan at kapwa nabigong umiskor ang magkabilang panig sanhi ng extra five minute.
Ibinalik ng Phone Pals si Honeycutt bilang kapalit ni Noel Felix na hindi nakagawa ng malaking impact sa Talk N Text matapos nitong palitan ang na-injured na si Earl Ike.
Samantala, dadako naman ang aksiyon sa Roxas City kung saan magsasagupa ang Shell Velocity at Sta. Lucia Realty sa Capiz Gymna-cium sa alas-4:30 ng hapon kung saan nais ng Turbo Chargers na manatili sa pangkalahatang pamumuno. (Ulat ni CVOCHOA)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended