Ang naturang panalo ang nagbigay sa Sta. Lucia ng 2-6 marka, sa-mantalang nahulog naman ang Purefoods sa 4-4 baraha, kasama rito ang three-game losing slump.
Matapos maglista ang TJ Hotdogs ng isang 18-point lead sa second period, 57-39, isang mahabang 21-7 blitz naman ang ginawa ng Realtors, walo rito ay galing kay Marlou Aquino, upang ilapit ang laro sa 65-66 sa huling 2:14 nito.
Nakuha ng Sta. Lucia ang lamang sa 74-73 mula sa basket ni import Ryan Fletcher at 3-pointer ni Paolo Mendoza sa unang dalawang minuto sa final canto.
Ang dalawang free-throws ni Aquino ang nagbigay sa Realtors ng 91-86 bentahe sa huling 27 segundo ng laban kasunod ang tres ni Noy Castillo para sa 89-91 agwat ng TJ Hotdogs, may 14 segundo na lamang.