^

PSN Palaro

Sana nga pakawalan na si Adducul

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Bidang bida lagi si Romel Adducul ngayon.

Una, dahil na-link siya kay Kris Aquino.

Tapos, mukhang medyo nanlamig ang pagkaka-link na ito.

Ngayon, heto na naman.

He wants out of Ginebra.

Last month pa, binigyan ko na kayo ng hint regarding this. Alam ko na ang istoryang ito noon pa man.

Bakit kaya di na lang siya pakawalan ng Ginebra para wala na lang problema?
* * *
Bilib ka rin naman dito kay Adducul.

Samantalang lahat ng player eh gustong maging Ginebra player, siya naman , ayaw na. He wants out.,

Paano nga naman, hanggang nandyan si Eric Menk, mananatili lang siyang second choice.

Hinding hindi na siya magiging ganap na superstar sa team na ito.
* * *
Maraming teams ang may gusto kay Adducul. Any time, kukunin siya. Pakawalan lang siya ng Ginebra.

Eh gusto naman kaya siyang pakawalan ng Ginebra?
* * *
Eh ano pa nga ba ang kuwenta ng isang samahan kapag yung isa eh ayaw na sa iyo.

Magiging liability lang yan sa team at the end of the day.

Kaya kung ako ang Ginebra, pakakawalan ko na yan.

Puede na rin si Yancy de Ocampo.
* * *
Kapag si Yancy ang napunta sa Ginebra, lalo pang lalakas ang gitna ng Gins.

Kaya nga lang, si Yancy, mananatili sa shadow lang ni Menk na naman.

Pero si Yancy, bata pa and there’s so much ahead of him.

Puede pa rin siyang maging shadow.
* * *
Iniimbitahan po kayo lahat ng kaibigan naming si Tita Yollie Nery sa Toss N Smash Badminton tournament na gaganapin sa April 16 and 17 at kabilang sa mga participants sina Lee Vincent Buenafe at Jay Bibat. Sila ang mga strong contenders sa badminton tournament na ‘yan.

Nakakatuwa naman ang badminton at patuloy ang pagdami ng  mga tournaments na talaga namang sinasalihan ng mga badminton enthusists. Marami na ring mga artista at basketball players ang nahumaling sa paglalaro ng badminton. 

ADDUCUL

CENTER

ERIC MENK

GINEBRA

JAY BIBAT

KAYA

KRIS AQUINO

YANCY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with