100 dayuhang atleta susubukan ang Pinoy

Mahigit 100 foreign athletes ang susubok sa kaka-yahan ng mga local bets sa pagbubukas ng 2005 Milo National Open Invitational Championships bukas sa Rizal Memorial Track Oval.

Nagsimula nang dumating kahapon ang mga dayuhang koponan mula sa siyam na bansang kala-hok at isang Fil-Am team para makibahagi sa natu-rang championships.

Kabilang sa mga bansang kalahok ay ang Bru-nei, Hong Kong, Macau, China, Malaysia, Singapore, Taipei, Thailand at Vietnam kasama ang Fil-Am team ng Philippine Overseas Development Committee.

Umaasa si Philippine Amateur Track and Field president Go Teng Kok na may kakayahang maki-pagsabayan ang mga local athletes na naapektuhan ang training dahil sa iba’t ibang karamdaman.

"I believe we will be doing fine for this competition. Marami tayong magandang lumalabas na resulta at sigurado akong magkakaroon uli tayo ng mga national record breakers," wika ni Go.

Kabilang sa mga pambato ng bansa ay sina Eduar-do Buenavista, Lerma Bulauitan, Allan Garrido, Maristella Torres, Rene Herrera, John Lozada at iba pa.

Magsisimula ang programa sa ala-1:30 ng hapon kung saan sina Philippine Sports Commission Officer-In-Charge Butch Ramirez at Philippine Olympic Committee president Peping Cojuangco. (Ulat ni CVOchoa)

Show comments