^

PSN Palaro

Sports complex sa bansa ayusin natin

SPORTS LANG - Dina Marie Villena -
Last Saturday, April 9, ginanap ang Star Group of Publications mini-olympics sa Amoranto Sports Complex sa Quezon City.

Kaya after so many years na hindi ako nakakapunta dito ay napadako ako dahil kasali din ako sa naturang mini-olympics ng aming opisina.

Marami ang disappointed, hindi dahil natalo sila sa laro kundi disappointed silang makita na hindi maganda ang facilities ng naturang sports complex.

Nakapanghihinayang naman dahil isa ang Pilipinas na may velo-drome para sa mga international cycling competitions.

At katunayan, ang Amoranto Velodrome ay isa sa mga venue ng cycling para sa pagho-host ng bansa sa Southeast Asian Games this November.

Sana naman mapaganda na at malinis ang naturang sports complex dahil nakapanghihinayang.

Noong Sabado sa aming mini-olympics, napansin namin na sira na ang mga rubber na nasa track oval. Bukod pa doon, maraming mga basag na bote at bubog na nagkalat sa mismong palaruan.

Katunayan, may kasamahan kaming nasugatan dahil sa mga bubog na iyon na nagkalat.

Maging ang mga PATAFA officials na siyang namahala sa aming palaro ay panay ang babala sa amin na huwag magtanggal ng sapatos dahil maraming bubog.

Sana naman bigyan pansin ito ni administrator Andy Apostol dahil sayang talaga.

Kunsabagay, balita ko ire-renovate ang naturang Velodrome, pagkatapos ng First Philippine Velo Challenge na ginaganap dito.

Mabuti naman.

At sana naman yung mga ibang umuupa sa complex tulad ng mga nagdaraos ng kanilang concert man o padasal eh maging malinis.

Kapuna-puna rin na ang mga CR doon ay ang baho-baho. Naka-kadismaya talaga.

Although ayon sa kasamahan namin, maganda at malinis naman daw ang swimming pool na siya nilang pinupuntahan

Pero tulad nga ng nasabi ko, isa sa cycling event ng SEA Games ay doon gaganapin. Kaya marahil dapat simulan na ng administrator ang pagpapaganda sa velodrome dahil nakakahiya naman sa ating mga dayuhang bisita na ka-kompetensiya sa sports.

Alam namin, kayang-kayang n’yong pagandahin ito at tiwala kami sa inyong magagawa.

So umpisahan n’yo na!
* * *
Speaking of pagpapaganda at pagsasaayos ng sports complex, dapat din sigurong magsimula na ang mga namamahala sa Rizal Memorial Sports Complex sa ganitong gawain. Mahirap naman kasi na laging last minute tayong mga Pinoy kung kumilos.

Hindi lang dito sa Amoranto at Rizal Memorial kundi sa lahat ng sports complex sa ating bansa.

Kilos na kayo!

AMORANTO SPORTS COMPLEX

AMORANTO VELODROME

ANDY APOSTOL

COMPLEX

DAHIL

FIRST PHILIPPINE VELO CHALLENGE

KAYA

LAST SATURDAY

NAMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with