^

PSN Palaro

BAKIT NGA BA BASKETBALL?

GAME NA! - Bill Velasco -
Bakit nga ba basketbol ang hilig nating mga Pilipino? Madalas itong pagtalunan namin ng ilan kong kaibigan. Bagamat lahi daw tayo ng mga putot, mahilig tayo sa laro ng mga higante. Kitang-kita, lalo na ngayong tag-init, na naglipana ang mga basketball clinic, at sinusundan ng swimming at badminton.

Halos wala nang nakakaalala na hindi natin nagustuhan ang basketbol noong una itong hinatid ng mga Amerikano dito. Sa katunayan, ang unang malaking torneo dito ay marahil ang National Girls High School championship noong 1921. Isang dekada pa ang lumipas nang mahiligan ito ng mga kalalakihan, at nagtayuan ng kani-kanilang sariling mga goal. Nang lumahok tayo sa Berlin Olympics noong 1936, dadalawa lamang ang gym kung saan maaaring maglaro ng basketbol.

"With just a makeshift goal, you can play basketball," sabi ni Jimmy Cantor, presidente ng Philippine Sportswriters Association, na nagmamasid sa paglago ng basketbol mula pa noong 1949. "I’m sure you’ve seen street corners where kids put up basketball courts."

Noong una, baseball ang naghahari dito sa atin, subalit may mga unang nag-akalang laro ito ng mayayaman. Ang mga iba naman, track and field ang hilig noon.

"Ang basketbol, larong Pilipino talaga iyan," pananaw ng kilalang sports photographer na si Tony Lu, na dalawang dekada nang kumu-kuha ng litrato ng mga liga at player sa larangang ito. "May team nga, oo, pero malaki rin ang papel ng diskarte.

"Maybe it’s because there are many players whom Filipinos idolize," dagdag naman ni Jean Malanum ng Manila Bulletin. "So the kids, they try to imitate their idols. In turn, many people get interested in basketball."

We had the likes of Sonny Jaworski, Atoy Co and other stars, and even the stars now who continue to give basketball the popularity that sustains its mass appeal," sabi pa ni Cantor.

Kung sabagay, habang nangangapa ang ibang sports para sa pondo, ang basketbol naman ay sagana sa salapi. Ibig sabihin nito, organisado at madaling gayahin ang pormula para magtagumpay sa basketbol. Pero, makatuwiran ba ito?

"We can’t even win the title in Asian basketball," paliwanag ni Cantor. "So, personally, I think we should concentrate on other sports, especially where we can win, particularly an Olympic gold medal. We should, perhaps, concentrate on swimming, triathlon."

"We should focus on sports where height is not a factor, lalo na para sa ating mga Pilipino," pahabol ni Malanum. "Perhaps football, which isn’t dependent on height. And then other sports like martial arts: we have wushu, karatedo and judo. Any other sport that doesn’t rely on height for an athlete."

Kung tutuusin, may punto rin sila. Alalahanin natin na siyam na gintong medalya ang nakuha ng swimmer na si Mark Spitz sa Olympics (dalawa noong 1968, pito noong 1972). Iisang atleta lamang siya. At maliit lang naman ang gastos para sa isang swimmer. Pag kinuwenta natin, kung kumpleto ang isang boxing team (12 boksingero), ang bawat isa ay maaaring makakuha ng medalya. Samantala, ang 12 player ng isang basketball team ay iisa lamang ang medalyang maka-kamit. Parang hindi sulit, kung pag-iisipan.

Subalit, sa panig ng mga gustong tumulong, napakaraming gulo at pulitika sa mga ibang sport na karapat-dapat bigyan ng tulong. Kaya nawawalan ng gana ang mga nais magmalasakit.

"We in the PSA would like to help those national sports associations controlling these sports," sabi ni Cantor. "But they have to have and show us a clear program first."

Parang lumalabas na mas madaling mahalin ang basketbol, dahil ang mga naririto ay madaling kausapin. At mahirap din naman bigyan ng katuwiran ang pagmamahal.

ATOY CO

BASKETBALL

BASKETBOL

BERLIN OLYMPICS

JEAN MALANUM

JIMMY CANTOR

MANILA BULLETIN

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with