10-man RP jins nagtungo sa Spain
April 10, 2005 | 12:00am
Umalis kahapon ang 10-man RP-Petron Taekwondo team patungong Madrid, Spain bitbit ang pag-asang magwawagi sa mailap na gintong medalya sa 17th Mens at 9th Womens World Taekwondo Championships.
Pamumunuan ni Athens Olympic veterans Antoinette Rivero at Tshomlee Go, kinokonsiderang pinakamaningning na jins ngayon sa bansa, makikipagsapalaran ang Nationals laban sa pinakamahuhusay na fighters sa mundo sa torneong tinaguriang Olympics ng taekwondo.
"This is a chance of a lifetime so give your best shot. Youre up against the best in the world so fight like a champion, go for the gold," ani Philippine Taekwondo Association (PTA) vice president Sung Chon Hong.
Si Hong, na vice president din ng Asian Federation, ay mas maagang umalis para dumalo naman sa Congress, ang pagpupulong na hudyat ng panimula ng limang araw na meet na magsisimula sa Abril 13.
Makakasama ni Rivero at Go sa team sina Loraine Lorelie Catalan, Kathleen Eunice Alora, Aphrodite Brillantes, Alexander Briones, Ernesto Juan Mendoza III, Manuel Rivero, Carlos Jose Padilla, at Vietnam Southeast Asian Games gold winner Dax Alberto Morfe.
Kasama din sa team na suportado ng Petron, First Gentleman Foundation at Philippine Sports Commission (PSC) sina delegation head Manolo Gabriel at team manager Stephen Fernandez.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended