^

PSN Palaro

Bustamante, kampeon sa Bali

-
Nagpakatatag si Francisco ‘Dango’ Bustamante hanggang sa matapos ang laban upang igupo si Mika Immonen ng Finland, 11-10 sa finals at maghari sa A Mild International Open sa Paradiso Bowling and Billiard Center sa Bali, Indonesia.

Ang tagumpay ay nagbigay sa dating world No. 1 na si Bustamante ng halagang $12,500 prem-yo at appearance fee sa torneong nilahukan ng mga pangunahing cue artists sa Asya at ilang pinakamahuhusay sa mundo.

Ngunit siniguro naman ni Immonen na pagpapawisan ng Pinoy ang lahat ng kanyang kikitain.

Naghabol sa halos lahat ng bahagi ng laro, bumangon si Immonen at naghabol kay Busta-mante hanggang makatabla ito sa iskor na 10-10.

Matapos maka-break sa laban, ibinulsa ni Immonen ang dalawang bola at iwan ang red three na nakabitin malapit sa pocket ngunit sinawimpalad na matalo makaraan ang masamang preparasyon sa No. 4.

Mas pinili ni Bustamante ang safety shot, na naging mahusay na ideya nang mag-blunder si Immonen at tuluyang iwan ang magaan na tira.

Nauna rito, tinalo ni Bustamante ang Vietnamese na si Luong Chi Dung, 9-2, habang ginapi naman ni Immonen si Chu Hung Ming ng Chinese Taipei, 9-1, sa magkahiwalay na duelo sa semis.

Ito ang ikalawang malaking tagumpay ni Bustamante sa rehiyon matapos nitong isukbit ang Hope P1 Million all-Filipino Billiards Open noong Pebrero.

A MILD INTERNATIONAL OPEN

ASYA

BUSTAMANTE

CHINESE TAIPEI

CHU HUNG MING

FILIPINO BILLIARDS OPEN

IMMONEN

LUONG CHI DUNG

MIKA IMMONEN

PARADISO BOWLING AND BILLIARD CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with