Katatagan sa liderato asam ng SMB
April 10, 2005 | 12:00am
Itataya ng San Miguel Beer ang kanilang hawak na liderato sa pakiki-pagharap sa Barangay Ginebra sa pagpapatuloy ngayon ng PBA Gran Matador eliminations sa Araneta Coliseum.
Alas-6:35 ng hapon ang sagupaan ng Beermen at Gin Kings na siyang tampok na laro ngayon pagkatapos ng sagupaan ng Alaska at FedEx sa alas-4:15 ng gabi.
Inangkin ng San Miguel ang solong pamumuno matapos ang 85-79 panalo laban sa Purefoods sa kanilang out-of-town game sa General Santos City noong Huwebes.
Taglay ng Beermen ang 5-2 win-loss slate kasunod ang Ginebra na may 4-2 kartada at naka-sakay sa back-to-back na panalo.
Magkakabanggaan ngayon sina imports Chris Burgess ng Beermen at Eddie Elisma ng Gin Kings.
Huling tinalo ng Gin Kings ang Sta. Lucia, 93-87 na sinamahan ng kanilang dating import na si Ryan Fletcher.
Muli namang sasan-dalan ng Alaska si import Dickey Simpkins upang sundan ang kanilang nakaraang 76-66 pananalasa laban sa Purefoods noong nakaraang Linggo upang lalo pang maiahon ang 2-4 record.
Tatapatan naman ito ni import Anthony Miller para sa FedEx na nagha-hangad masundan ang 111-108 panalo laban sa Talk N Text. (Ulat ni CVOchoa).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended