PBA 30th anniversary celebration magsisimula ngayon

Magsisimula na ang selebrasyon ng ika-30th anibersaryo ng PBA sa pamamagitan ng tour sa SM Megamall ngayon tampok ang top-30 players ng liga, ang 30 shining moments at top 30 games na humubog sa PBA.

Tinaguriang ‘Cheers for the Years,’ ang tour na ito ay may tatlong kategorya -- ‘Ang Mga Bida ng Liga na magpapakita ng exploits at achievement ng top-30 players; ‘PBA Through The Years ’ na magpapakita ng 30 major celebrations ng liga kabilang ang grandslam; at ang ‘(kaya) Ito ang (Naging) Game Ko!’ na magpapakita ng 30-most memorable games ng PBA.

Bibigyang kulay nina PBA Commissioner Noli Eala, dating PBA chief Jun Bernardino, multi-awarded coach Baby Dalupan, Bobong Velez, dating cage stars Bogs Adornado, Alvin Patrimonio at Jojo Lastimosa ang alas-4:00 ng hapong seremonya.

Ilulunsad din ang PBA SIKAT@30 Promo, isang Smart SMS game tampok ang trivia contest para sa mga PBA fans sa mga mahahalagang bagay ukol sa liga at mga players.

Ang mga users ay may option na tumanggap ng hanggang 20 trivia questions araw-araw para makaipon ng puntos sa bawat tamang sagot.

Ang top scorer ng araw ay mananalo ng PBA Merchandise at PBA tickets habang ang highest pointer sa kabuuan ng promo ay mananalo ng grand prize package ng PBA merchandise, 5-PBA tickets at pagkakataong makilala ang kanilang mga paboritong players.

Ang promo ay magsisimula ngayon hanggang May 24 at para sumali kailangang mag-text ng SIKAT sa 290.

Show comments