^

PSN Palaro

2005 Unity Cup: Ikalawang sunod na panalo asam ng Montana at Granny Goose

-
Muling sasalang sa magkaibang laban ang Montana Pawnshop at Granny Goose Kornets na kapwa umaasang makamit ang dalawang magkasunod na panalo sa pagpapatuloy ng 2005 Unity Cup sa Makati Coliseum.

Matapos makamit ang kanilang unang kampeonato sa PBL open Championship noong nakaraang Pebrero, haharapin ng Jewels ang Bacchus Energy Drink sa ganap na alas-2 ng hapon, habang magsasalpukan naman ang Snackmasters at Harbour Centre sa tam-pok na laro sa alas-4 ng hapon.

Makaraang maitala ang kani-kanilang unang panalo noong opening day kapwa asam ng Jewels at Snackmasters na masustina ang kani-lang mainit na panimula.

Sa kabila ng aksidenteng naganap kay Al Magpayo na naging dahilan sa pagkawala nito sa buong season ng Unity Cup, napataob ng Jewels ang Port Masters sa overtime 81-75.

Sasandalan ni coach Robert Sison ng Jewels, para punan ang puwesto ni Magpayo sina Kenneth Bono ng Adamson at veteran player Francis Mercado.

Sa kabilang dako, aasahan naman ng Port Masters ang mahusay na laro nina Mark Cardona at LA Tenorio para tapatan sina 6’6 JR Quiñahan at 6’5 Abby Santos ng Granny Goose.

At tulad ng Port-masters,may kapasidad din ang Snackmasters na tapatan ang lakas ng kalaban tulad ng ginawa nila sa Bacchus 62-49 sa nakaraang laban 62-49 sa pagtutulungan nina Dennis Concha, Jett Latonio at Jireh Ibanez.

Bukod kay Cardona na umiskor ng 26 points sa nakaraang laro nito, umaasa rin si coach Tonichi Yturri sa laro nina NCAA rookie at MVP winner Gabby Espinas at Paolo Buguia. (Ulat ni Myla Beguiras)

ABBY SANTOS

AL MAGPAYO

DENNIS CONCHA

FRANCIS MERCADO

GABBY ESPINAS

GRANNY GOOSE

GRANNY GOOSE KORNETS

PORT MASTERS

SNACKMASTERS

UNITY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with