9th Nestea Beach Volleyball: USJR at SWU humataw na
April 6, 2005 | 12:00am
Kapwa naging magaan ang tagumpay ng mga defending champions na University of San Jose Recoletos at ng Southwestern University sa dalawang elimination assignments kahapon upang makalapit sa quarterfinals ng Visayas leg ng 9th Nestea Beach Volleyball tournament na ginaganap sa La Salle Greenhills sandcourts.
Sinimulan nina Joseph Alguno at Jonrey Sasing ng USJR ang pagtatanggol ng kanilang titulo sa mens division matapos ang panalo sa University of Iloilo, 21-7 sa pang umagang laban at sa Colegio dela Purisima Concepcion sa hapon, 21-14.
Binuksan naman ng tambalang Marites Natad at Florian Gutierrez ng SWU ang kanilang kam-panya sa ikatlong sunod na titulo sa pamamagitan ng panalo laban sa University of Cebu, 21-10 bago nila pinabagsak ang University of St. La Salle, 21-9.
Bukod sa SWU at sa USJR, ang iba pang koponang nakadalawang panalo ay ang University of Negros Occidental-Recoletos at ang University of Visayas sa womens division.
Tinalo ng UNO-R nina Christine Dioso at Jenny Torres ang Univ. Southern Phils., 21-8 at ang USJR, 21-16 habang dinispatsa naman ng pares nina Janez Armie Igot at ni Joyce Almela ng UV ang University of San Carlos, 21-8 at ang St. Paul Business School, 21-6.
Ang top-four teams sa bawat divisions ng leg na ito ay makakausad sa semifinals at finals na gaganapin sa Boracay sa May 5-7 kung saan makakasama nila ang mga Luzon qualifiers noong nakaraang linggo at ang Mindanao qualifiers bukas. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest