PBL Unity Cup: Magnolia sinorpresa ng Toyota Otis

Wala nang maipagmamalaki ang Magnolia Ice Cream sa Toyota Otis Letran.

Sa kauna-unahang pagkakataon, tinalo ng Knights ang defending champion na Magnolia Wizards nang kanilang itakas ang 63-62 panalo kagabi sa pamamagitan ng game-winning triple ni Emerson Oreta sa pag-usad ng eliminations ng PBL Unity Cup.

Halos dalawang minutong hawak ng Wizards ang 62-60 kalamangan ngang pumukol ng fade-away si Oreta sa side upang ilagay ang Toyota sa trangko, 13.5 segundo na lamang.

Bagamat may natira pang oras para sa huling posesyon ng Magnolia, walang nangyari sa attempt ni Arwind Santos upang itala ng Knights ang malaking upset.

Pinasiklaban naman ng Welcoat Paints ang bagitong Negros Naviga-tion sa pamamagitan ng kanilang 92-63 panalo sa unang laro. (Ulat ni CVOchoa)

Show comments