^

PSN Palaro

NBC Final North pre-season series di-dribol

-
Muling bubuhayin ng Laguna Spring ang kanilang rivalry sa Forward Taguig ngayon sa pagbubukas ng Spring Cooking Oil-NBC final north pre-season series sa Rizal Memorial Coliseum.

Magsasagupa ang mga bataan nina NBC president Nathaniel ‘Tac’ Padilla at Gov. Teresita Lazaro at Mayor Freddie Tinga sa ganap na alas-5:30 ng hapon pagkatapos ng maikling pambungad na seremonyas na mismong si Padilla ang panauhing pandangal.

Dalawang bagong koponan--ang Parañaque Jets ni Vice-Mayor Anjo Yllana at Cavite Insurers ni Bacoor Vice-Mayor Edwin Malvar ay mag-lalaban naman sa tampok na laban sa ganap na alas-7 ng gabi.

Ang ikalimang koponan sa maikling serye na ito na may basbas ng BAP ay ang RP-Cebuana Lhuillier squad na naghahanda para sa 2005 Southeast Asian Games na nakatakda sa bansa sa Nobyembre.

Ang Taguig at Spring ay naglaban sa mahigpit na bakbakan para sa NBC national championships na napagwagian ng Taguig para sa north division title.

Sasandalan naman ni coach Jun da Jose ng Parañaque ang ex-PBA star na si Bong Alvarez bukod pa kina PMI Admirals Niño Marquez at Larry Rodriguez at mga sikat na showbiz stars na sina Richard Gomez, Jomari Yllana Antonio Aquitania at Wendel Ramos at ex-Red Bull Barako Rollie Basilides at Jovy Sese.

Ang Insurers na suportado din ni Gov. Ireneo ‘Ayong’ Maliksi ay aasa naman sa balikat ng twin towers na sina dating JRU Bombers McDonald Santos at ex-Baguio Cardinal Efren Valdez.

ADMIRALS NI

ANG INSURERS

ANG TAGUIG

BACOOR VICE-MAYOR EDWIN MALVAR

BAGUIO CARDINAL EFREN VALDEZ

BONG ALVAREZ

CAVITE INSURERS

CEBUANA LHUILLIER

FORWARD TAGUIG

JOMARI YLLANA ANTONIO AQUITANIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with