^

PSN Palaro

Alvarez, napiling PBA Player of the Week

-
Ang karera para sa Rookie of the Year sa pagitan nina Rich Alvarez ng Shell at James Yap ng Purefoods ay lalong umiinit sa ginaganap na PBA Fiesta Cup nang kapwa magpamalas ng impresibong performance kamakailan.

Unang nagpasiklab si Yap bago ang 10 araw na break ng tournaments nang banderahan nito ang Hotdogs sa kapana-panabik na panalo laban sa Red Bull Barako sa kanilang laban sa out--of-town game sa Bataan.

Pagkatapos ng break, si Alvarez naman ang nagpasikat nang magtala ito ng ilang 20 puntos upang tulungan ang Turbochargers na irehis-tro ang magkasunod na panalo at patalsikin ang magkapatid na kompanyang Purefoods at San Miguel sa unahan ng team standing na may 4-2 panalo-talo baraha.

At dahil sa kabayanihang ito ni Alvarez, napili siyang Player of the Week ng PBA Press Corp para sa March 30-April 3 period kung saan tinalo ng Turbochargers ang Coca-Cola, 109-96 noong nakaraang Miyerkules at San Miguel Beer, 120-101 pagkalipas ng dalawang araw.

Laban sa Tigers, kumana rin si Alvarez ng 4 rebounds at 4 assists sa loob ng 37 minutong paglalaro. Kontra naman sa Beermen nagdagdag si Alvarez ng 9 rebounds at 2 assists bukod pa sa mahusay na depensa kay Danny Seigle.

Sa anim niyang laro, sa ginaganap na torneo, si Alvarez ay may average na 10.33 points, 6.17 rebounds, 2.17 assists, 0.33 steal, 0.17 blocked shot at one error sa 27.5 minutos.

"He’s a complete player," ani Shell coach Leo Austria sa kanyang top rookie, at idinagdag na "He can score and rebound. But most of all, he can also defend. He is bound to be a superstar in the PBA."

Produkto ng Ateneo Blue Eagles, si Alvarez ang top pick sa Rookie Draft noong nakaraang taon. At naaalala ng marami makaraang ibangko ni dating Shell coach John Moran sa kanyang unang laro na isang kasaysayan sa liga.

Matapos ang pagbabangko na iyon, ipinakita ni Alvarez sa lahat na deserving ito ng mas magandang pagtanggap at nasa unahan na nga-yon bilang pinakamalakas na contender sa Rookie of the Year award.

Bukod kay Alvarez tatlo pang taga-Shell ang may average na double figures sa Fiesta Cup. Ito ay sina Anthony dela Cruz na may 12 puntos kada laro kasunod si Christian Calaguio at Roger Yap na may tig-10 puntos bawat isa.

ALVAREZ

ATENEO BLUE EAGLES

CHRISTIAN CALAGUIO

DANNY SEIGLE

FIESTA CUP

JAMES YAP

JOHN MORAN

LEO AUSTRIA

PLAYER OF THE WEEK

ROOKIE OF THE YEAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with