AANGAT NA KAYA ANG REALTORS?
April 4, 2005 | 12:00am
Hinahagilap daw ng Barangay Ginebra at ng Coca-Cola si Ryan Fletcher na ayon sa reports ay napakaganda ng performance sa Euro-pean league.
Si Fletcher ay dating naglaro sa Barangay Ginebra dalawang taon na ang nakalilipas kung kayat kabisado na nila ito. Kinuha lang ng Gin Kings si Eddie Elisma bilang temporary import habang hinihintay na maging available si Torraye Braggs na siyang import ng Ginebra sa 2004 Fiesta Cup. Pero si Braggs ay pinapirma ng ten-day contract ng Houston Rockets sa NBA kung kayay matatagalan pa bago ito maging available.
Ang Coca-Cola naman ay minalas dahil sa ang bagong import na si Bakari Hendrix ay nagtamo ng torn anterior cruciate ligament sa kanyang debut game kontra Shell Velocity noong Miyerkules. Maganda sana ang performane ni Bakari kaysa sa dating import ng Tigers na si Jaja Richards pero tila minamalas ang Coca-Cola. Kaya naman hinangad ni coach Eric Altamirano na makuha si Fletcher.
Pero laking gulat ng Gin Kings at ng Tigers nang makausap nila ang ahente ni Fletcher dahil sa napapirma na pala ito ng Sta. Lucia Realty.
Dapat nga sanay si Fletcher na ang lalaro sa Realtors sa kanilang game kontra Red Bull Barako noong Biyernes pero nakarating lang ito noong Sabado ng umaga. Kaya naman si Raheim Brown pa rin ang naglaro noong Biyernes at natalo ang Realtors sa Barakos, 108-99.
Disappointing talaga si Brown na pinag-agawan din ng ilang PBA ballclubs. Hindi nga bat hinintay pa ito ni coach Alfrancis Chua at kumuha muna sila ng temporary import sa katauhan ni Richard Jetter?
Pero bagamat maganda ang credentials ni Brown ay iisang panalo lang ang naitala ng Realtors nang siya ang naglalaro. Kasi ngay hin-di naman siya dominante sa shaded area. Parang mas gusto niya ang off guard position. May nagsasabi pa ngang baka pwede siyang maging point guard. Hindi naman yun ang kailangan ng Sta. Lucia, e.
So, nagsisi siguro si Chua kung bakit dinaig pa ng Realtors ang ibang teams sa pagkuha kay Brown. Dapat ay isang dominant big man na kaagad ang kanilang kinuha sa umpisa pa lang.
Hindi naman ganoong katangkad si Fletcher pero palaban ito kung pagkuha din lang ng rebounds ang pag-uusapan. Iyon ang kailangan ng Realtors upang maibsan ang pressure sa balikat nina Marlou Aquino at Dennis Espino. Tutal nga naman ay marami nang shooters ang Sta. Lucia sa katauhan nina Kenneth Duremdes, Paolo Mendoza, Nelbert Omolon, Rafael Santos at Chester Tolomia.
Siguro ngay aangat na sa standings ang Realtors ngayong nasa kanilang poder na si Fletcher. Kasi kabisado na naman ni Fletcher ang laro sa PBA. Kaunting adjustments na lang ang mangyayari sa tropa ni Chua.
Salamat sa mga nakaalala sa aking kaarawan kahapon, Abril 3. Salamat sa mga classmates ko sa Colegio de Las Hijas de Jesus, sa aking pamilya at sa mga, ka opisina, kaibigan ko, lalung-lalo na sa San Miguel Corporation.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended