Napilitang lumaban na importless ang Tigers matapos ma-injured ang kanilang bagong import na si Bakari Hendrix sa kanyang debut game noong Miyerkules kung saan tumapos ito ng 43-puntos at 13 rebounds sa pagkatalo ng Tigers kontra sa Shell, 96-109.
Matapos kunin ang 33-23 kalamangan sa unang quarter, umabante ng 26-puntos ang Tigers sa pagsapit ng halftime, 60-34 nang kanilang limitahan sa 11-puntos ang Phone Pals sa ikala-wang canto kasabay ng paghakot ng 27-puntos.
Nalimitahan si Talk N Text import Noel Felix sa anim na puntos sa unang tatlong quarters bago humataw ng 13-puntos sa ikaapat na canto kung saan pilit na bumabangon ang Phone Pals.
Kumuha ang Tigers ng pansamantalang import habang nagpapagaling si Bakari. Isang seven-footer na si Darrell Johns ang inaasahang darating sa Martes ng gabi. (CVOchoa)