^

PSN Palaro

Import-less Coke wagi pa rin

-
Dehado man sa laban ang Coca-Cola na lumarong walang im-port, nagawa nilang dominahin ang laro kontra sa Talk N Text para sa impresibong 102-82 panalo kagabi para makabangon sa apat na sunod na talo sa pag-usad ng elimina-tions ng PBA Gran Matador Fiesta Confe-rence sa Araneta Coli-seum kagabi.

Napilitang lumaban na importless ang Tigers matapos ma-injured ang kanilang bagong import na si Bakari Hendrix sa kanyang debut game noong Miyerkules kung saan tumapos ito ng 43-puntos at 13 rebounds sa pagkatalo ng Tigers kontra sa Shell, 96-109.

Matapos kunin ang 33-23 kalamangan sa unang quarter, umabante ng 26-puntos ang Tigers sa pagsapit ng halftime, 60-34 nang kanilang limitahan sa 11-puntos ang Phone Pals sa ikala-wang canto kasabay ng paghakot ng 27-puntos.

Nalimitahan si Talk N Text import Noel Felix sa anim na puntos sa unang tatlong quarters bago humataw ng 13-puntos sa ikaapat na canto kung saan pilit na bumabangon ang Phone Pals.

Kumuha ang Tigers ng pansamantalang import habang nagpapagaling si Bakari. Isang seven-footer na si Darrell Johns ang inaasahang darating sa Martes ng gabi. (CVOchoa)

ARANETA COLI

BAKARI

BAKARI HENDRIX

COCA-COLA

DARRELL JOHNS

DEHADO

GRAN MATADOR FIESTA CONFE

NOEL FELIX

PHONE PALS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with