Katatagan sa liderato asam ng Hotdogs
April 3, 2005 | 12:00am
Ngayong hawak ng Purefoods ang solong pamumuno, sasamantalahin nito ang pagkakataon para higit na maging matatag sa liderato ng PBA Gran Matador Fiesta Conference.
Tangka ng TJ Hotdogs na hatakin ang kanilang winning streak sa apat na sunod na panalo sa pakikipagharap sa Alaska Aces sa pagpapatuloy ng elimination round ng kasalukuyang reinforced conference sa Araneta Coliseum.
Itataya ng Purefoods ang kanilang nangungunang 4-1 karta sa pakikipagharap sa Alaska na may 1-4 record sa alas-6:30 ng gabing labanan bilang main game ngayon.
Matapos mabigo ang dating kasosyo sa liderato na San Miguel, nasolo ng TJ Hotdogs ang pamumuno at muli nilang sasandalan si import Antonio Smith sa kanilang target na ikaapat na sunod na panalo.
Huling tinalo ng TJ Hotdogs ang kanilang sister team na Barangay Ginebra noong Miyerkules, 92-87 matapos ang 81-71 panalo laban sa Red Bull noong Marso 19 at 74-69 pamamayani laban sa isa pang kapatid na kumpanyang Coca-Cola, 74-69 noong Marso 16.
Sisikapin naman ng dating Chicago Bulls player na si Dickey Simpkins na makabawi sa pagkatalo ng Alaska sa kanyang debut game noong Martes sa Cagayan de Oro City kung saan nasayang ang kanilang 17-points lead laban sa Talk N Text na lumarong walang import sa huling limang minuto ng labanan tungo sa 97-92 panalo.
Inaasahang makakabangon naman si import Noel Felix sa kanyang mahinang performance sa kanyang debut game sa Cagayan de Oro City kung saan tumapos lamang ito ng 11-puntos ngunit nilukuban ito ng impresibong laro nina Mark Telan at Willie Miller.
Makakatapat ni Felix ang eksplosibong import ng Coca Cola sa alas-4:10 ng hapong labanan na si Bakari Hendrix na tumapos ng 43-puntos ngunit nasapawan ito ni import Wesley Wilson na naging susi sa 106-96 panalo ng Shell noong Miyerkules.
Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban ang Ginebra (2-2) at FedEx (2-2) sa Zamboanga City. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended