Politiko, showbiz at sports personalities susuporta sa TM Philippine 9-ball
April 1, 2005 | 12:00am
Magbibigay ng kulay ang pinaghalong politiko, showbiz at sports personalities sa TM Philippine 9-Ball Champions League, kung saan humatak ng suporta ang mga bata at promising billiard players sa lahat ng bahagi ng Luzon bago pormal na sumargo ang naiibang pocket tournament sa Abril 8.
Idinagdag ni Pasig congressman Dodot Jaworksi ang kanyang sarili bilang panguna-hing tagapag-usad ng event na ito na tutuklas ng mga papalit sa trono nina world champions Efren "Bata" Reyes at Francisco "Django" Bustamante, nang pumayag itong maging team manager ng koponan ng kanyang Lungsod.
"I believe in the fighting of the Filipino billiard players and I see more players in the mold of Bata and Django to rise soon. This event gives the young cuemasters a chance to rise and seek glory though sports," ani Jaworski.
Ang naturang pocket tournament na suportado ng Touch Mobile at Accel ay gaganapin sa ibat ibang napiling lungsod simula sa Abril 8-9 at mag-papatuloy tuwing Biyernes at Sabado pagkatapos ng pagbu-bukas ng torneo. Ito ay tatagal ng apat na linggo.
Ang Makati team ay pama-mahalaan ng sikat na enter-tainer na si Rico J. Puno, konsehal ngayon sa Makati.
Susubukan naman ng basketball agent na si Sam Unera ang ibang sports sa kanyang pakikipagtulungan kay Parañaque vice-mayor Anjo Yllana sa pamamahala ng koponan ng naturang lungsod.
Si Arnold "Ali" Atienza, sa MayniLA team, Cavite Gover-nor Ayong Maliksi, na may nakatakdang event sa dalawang lugar sa kanyang probin-siya, tambalang Jay Lapid, Arnie Panlilio at Lubao Mayor Dennis Pineda sa Pampanga team.
Ang mga batang cue-masters ay maglalaban-laban para sa P1 Million Best of the Best prize sa pagtatapos ng initial season na ipapalabas sa NBN Channel 4.
"We want to provide our billiards players with a formal venue of competition," ani organizer Ramon Tuason. "We organized this tournament to make sure well not run out of talents in the future."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am