Pinoy cue artists nasa Jakarta na
April 1, 2005 | 12:00am
JAKARTA Sa gitna ng malakas na ambon, maulap na kalangitan at gitgitang trapiko, hindi nanamlay ang mood nina Gandy Valle at Francisco Django Bustamante nang dumating sila dito noong Miyerkules.
Sa katunayan, nagbi-biruan pa sina Valle at Bustamante at nagtata-wanan na parang mga nanalo na bago pa man sila tumumbok sa ikala-wang yugto ng San Miguel Asian 9-Ball Tour, na sa kauna-unahang pagkakataon ay iho-host ng bansang ito.
Ang 28 anyos na si Valle ang nagwagi sa unang yugto ng Tour na inorganisa ng ESPN Star Sports wala pang isang buwan ang nakakalipas sa Singapore at nagbulsa ng halagang $10,000 matapos na tanghaling first qualifier na magwagi ng biyahe sa 4-leg series.
Ang tagumpay ng Davaoeño ay nagsiguro din sa kanyang ng puwes-to sa 32-man na lalahok sa Hanggar Billiard and Recreation Center dito--bagamat hindi na naman siya seeded, di tulad ng kanyang mga kababa-yang sina Bustamante at Efren Bata Reyes.
Si Bustamante na rank No. 7 sa mundo ay second seed sa likuran ng top pick na si Reyes na muling paboritong mag-wagi sa yugtong ito.
Nakuha ng tinagu-riang The Magician" ang No. 1 seed dito dahil sa kanyang pagiging world No. 5 at overall champion sa Tour. Si Reyes ay dumating dito noong Huwebes kasama sina Lee Van Corteza, Manila legwinner at isa pang qualifier na si Roberto Gomez Jr. Hindi nakasa-ma si Antonio Gabica.
Ang iba pang seeded players ay sina two-time world champion Chao Fong Pang (No. 4) Yang Ching-Shun (No. 5) at Kuo Po-Cheng (No. 8) ng Chinese-Taipei, Jeong Young-Hwa ng Korea (No. 3), Satoshi Kawa-bata ng Japan (No. 6) at Patrick Ooi ng Malaysia (No. 7).
Bilang host, ang Indonesia ay may apat na players na kasali.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended