Reyes, patungong Amerika

Aalis ngayon si National coach Chot Reyes upang dumalo sa dalawang linggong serye ng basketball clinics sa apat na lungsod ng Amerika.

Tutungo sa St. Louis si Reyes upang manood ng NCAA Final Four sa pagitan ng Louisville at Illinois U at Michi-gan State kontra sa University of North Carolina.

Titigil siya doon hanggang Abril 2, dadalo sa wall-to-wall coaching clinics sa taunang Final Four convention na isina-ayos ng National Amateur Basketball Coaches.

Susunod niyang pupuntahan sa Abril 4-7 ang Detroit kung saan manonood siya ng tatlong practice session ng Pistons at laban ng Washing-ton Wizards. Mula dito, bibiyahe siya sa Los Angeles kung saan nakatakda ang scrimmage para malaman ang kahalagahan ng Fil-Am players na si Joe Deavean, ang 6’7 forward mula sa University of Texas, Alex Cabognot na nagwasak sa lahat ng high school records ni Mark Ca-guioa sa University of Hawaii at Kevin Delafu.

May one-on-one session din si Reyes kay Pistons coach Larry Brown na isinaayos ng Pinoy secretary nitong si Marivic Lardizabal.

Huling biyahe ni Reyes ay sa Sacramento sa Abril 14 upang panoorin ang practice ng Kings at kanilang laban kontra sa LA Lakers, pakikipagtagpo kay Kings assistant coach Pete Carril ang arkitekto ng pamosong Princeton offense ang pattern na gamit ni Reyes sa Coca-Cola Tigers.

Ang scouting trip na ito ni Reyes ay isinaayos ng United States Basketball Association sa kooperasyon ng Maloof brothers, na sina George at Gavin, may-ari ng Kings.

Samantala, babalik naman ng bansa mula sa tatlong linggong scouting sa South Korean at Japanese team ang assistant ni Reyes na si Binky Favis.

Show comments