Ateneo-La Salle walang rivalry sa PBL
March 29, 2005 | 12:00am
Matagal na panahon nang malalim ang rivalry ng De La Salle University at Ateneo University kaya naman sa kahit na anong kompetisyon ay nagpapataasan ng ere ang dalawang eskuwelahang ito.
Ngunit burado na ang rivalry na ito ng Archers at Eagles sa Philippine Basketball League nagawa ng bagong miyembro sa pamilya ng PBL, ang Harbour Centre Port Terminal Inc., na pagsamahin ang puwersa ng Ateneo at La Salle.
Mapapanood ang key player ng Archers na si Mark Cardona at ang kanyang counterpart sa Eagles na si L.A. Tenorio na nasa iisang koponan sa nalalapit na PBL Unity Cup na magbubukas sa Sabado sa Makati, Coliseum.
Ipinakilala ang mga miyembro ng koponan ng Harbour Centre, isang makabagong port terminal facility, sa isang press conference na ginanap sa Kamayan Restaurant sa Malate, Manila kahapon.
Sina Cardona at Tenorio ay ang magiging pangunahing sandata ng Harbour Centre, ang nakabili ng franchise rights ng Addict Mobile Ateneo na iko-coach ni Tonichi Yturri kasama ang multi-titled coach na si Derrick Pumaren bilang team consultant.
"Its a miracle na nabuo natin ang team na ito," wika ni Yturri. "Dating magkalaban na team ay napagsama natin at sus-bukan natin ito sa PBL."
Karagdagang puwersa pa ang ibibigay ng isa pang Archer na si Jerwin Gaco at ang isa pang Ateneo standout na si Larry Fonacier na posible nang makalaro kung lubos na itong magaling mula sa kanyang ACL (anterior cruciate ligament) injury gayundin sina Paolo Bugia at Magnum Membrere.
Magiging mapanganib ang backcourt ng Harbour Centre dahil kina Tenorio na matinik na penetrator at mahusay sa rainbow territory at Cardona, ang scoring champion ng PBL Open Championships kung saan may average itong 23 puntos para sa ICTSI-La Salle na nag-leave-of-absence muna sa liga.
Ang iba pang miyembro ng koponan ay ang NCAA MVP na si Gabby Espinas at Rey Mendoza, Jenkins Mesina, Robert Sanz, Jason Castro, Lou Gatumbato, Jayson Tiongson, Joel Solis, Ronjay Buenafe at Romel Dizon.
Aasiste kay Yturri sina Jun Tiongco, Lester del Rosario at Vic Escudero habang ang team manager naman ay si Gil Cortez, ang kauna-unahang Rookie of the Year sa PBA. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended