3 Pinoy boxers sasabak na
March 29, 2005 | 12:00am
Sinimulan na ng anim kataong Amateur Boxing Association of the Philippines team ang kanilang kampanya sa Dr. A. Chowdhry Cup 2005 sa Baku, Azerbaijan sa pag-akyat ng tatlong boksi-ngerong Pinoy sa first round.
Bubuksan ni flyweight Franklin Albia ang kampanya ng mga Pinoy sa Class A ranking tournament na ito sa kanyang pakikipaglaban sa Azerbaijan fighter sa isa sa opening bouts.
Susunod naman na aakyat sa ring sina featherweight Junard Ladon at light welterweight Mark Jason Melligen sa kanilang pakikipagharap sa kanilang kalaban mula sa Kazakhstan at Georgia, ayon sa pagkakasunod.
Ang torneo, na gagamitin ng National coaching staff bilang isa sa tryouts para sa pagbuo ng RP team sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Manila, ay humatak ng 24 koponan mula sa 15 bansa na ang hosts ay may apat na teams habang ang Russia at Kazakhstan naman ay tigatlong team bawat isa.
Ang iba pang bansang kalahok ay ang Uzbekistan, Georgia at Qatar na may tigalawang koponan, Greece, Turkey, Belarus, Israel, China, Pakistan, India at Iran.
Ang iba pang miyembro ng RP team na suportado ng First Gentleman Sports Foundation, Philippine Sports Commission at Pacific Heights, ay sina Lhyven Salazar, Joan Tipon at Anthony Marcial.
Ang pinuno ng delegasyon ay si dating Mayor Ludovico Badoy habang ang mga coach naman ay sina Alexander Arroyo at Ronald Chavez.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended