PBA Fiesta Conference: 2 bagong import ipaparada
March 27, 2005 | 12:00am
Dalawang bagong imports ang masisilayan sa pagbabalik aksiyon ng PBA Fiesta Conference sa Miyerkules.
Kumuha ang Talk N Text at Alaska ng bagong reinforcement upang palakasin ang kanilang kampanya sa kasalukuyang season ending conference na ito ng liga.
Ito ay sina Noel Felix para sa Phone Pals at Dickey Simpkins ng Aces na papalit kina Earl Ike at Leon Derricks ayon sa pagkakasunod.
Kinailangang kumuha ng Talk N Text ng bagong import dahil sa pagkaka-injured sa tuhod ng epektibong si Ike ngunit pansamantala lamang ito.
Umaasa ang Phone Pals na gagaling kaagad si Ike kaya inilagay muna ito sa injured list at pan-samantalang kinuha si Felix, huling na-cut sa San Antonio Spurs camp bago magsimula ang 2004-05 season.
Ang debut ng 6-foot-9 na si Felix ay sa susunod na provincial game ng PBA sa Cagayan De Oro City sa Huwebes kung saan makakalaban ng Talk N Text ang Alaska na magpaparada naman kay Simpkins.
Kasalukuyang nasa ilalim ng team standings ang Alaska na natalo ng tatlong beses kasama ang mahinang si Derricks bago nakatikim ng panalo dahil sa kabayanihan ni Jeffrey Cariaso sa kanilang huling laban kaya umaasa ang Aces kay Simpkins.
Malawak ang karanasan ng 69 na si Simpkins sa National Basketball Association kung saan tumagal ito sa Chicago Bulls kung saan ginugol niya ang anim sa kanyang walong taon sa NBA. Naglaro din ito sa Golden State at Atlanta.
Ang Phone Pals ay kasalukuyang may 2-1 karta sa likod ng nangu-ngunang San Miguel Beer na may 4-1 record kasunod ang Purefoods na may 3-1 karta. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest