Sinabi ng kanyang American manager na si Shelly Finkel, sa isang maikling konbersasyon matapos ang katatapos na laban ni Pacquiao kay Erik Morales, ihahanda niya sa kanyang lineup ang isang comeback fight para sa kanyang bata ngayong tag-init at isa pa-- ang posibleng rematch sa pagtatapos ng taon.
Sa loob ng elevator ng MGM Grand, sinabi ni Finkel, na dating huma-wak sa career ng maalamat na si Mike Tyson, ang agarang plano para kay Pacquiao, ang paborito sa laban na natalo sa madugong unanimous decision sa Mexican craftsmant noong Sabado sa Las Vegas.
"Rest. Thats the first thing hell have to do," ani Finkel, na pumalit kay Marty Elorde at pumirma ng dalawang taong kontrata kay Pacquiao noong nakaraang buwan.
"Hell have to rest his body. Then maybe he can fight another one by summer and then look for a rematch," dagdag pa niya.
"We can do a rematch with Morales and maybe we can do better. If not for the cut and with the right gloves, Manny Pacquiao could have beaten him," ani Finkel.
Ang kontrobersiya sa ginamit na boxing gloves ang nagdulot na magkaroon ingay sa fight contract na ang dalawang boksingero ay kapwa gagamit ng Japanese-made Winning gloves, na gusto ng mga boksingero hindi pangmatagalan ang kamay. Ito ay isang 8-ounce glove na may makapal na padding sa punching area. At ito ay paborito ni Morales.
Sa kabilang dako, mas gusto naman ni Pacquiao ang Mexican-made Cleto Reyes, na siya namang nais ng mga heavy punchers. Ito ay isa ring 8-ounce glove na may manipis na padding sa puncer area at pakapal sa palibot na pulso.
Sinabi naman ni Finkel na kinokonsidera ang rematch kay Morales bagamat isang executive mula sa Top Rank na nagpromote ng katatapos na laban na tinaguriang "Con Todo or Coming with Everything," na mas magandang posibilidad ang rematch ni Pacquiao kay Juan Manuel Marquez.
Sina Pacquiao at Marquez ay naglaban sa klasikong draw sa MGM Grand casino-hotel. Pinabagsak ni Pacquiao ang Mexcian ng tatlong beses sa unang round pero bigo itong tapusin na nagdulot ng controversial split draw. (Ulat ni Abac Cordero)