^

PSN Palaro

Mitsubishi Lancer junior netfest papalo sa Marso 28

-
Papalo na sa susunod na linggo ang ika-16th edisyon ng Mitsubishi Lancer International Junior netfest na may pag-asang makakahubog ng isa pang Andy Roddick at Lleyton Hewitt.

"We’re very proud that the world’s current tennis stars had, sometime in the past, been a part and parcel of this annual tennis tournament for the youth. We hope to do it again this year," ani Froilan Dytianquin, Mitsubishi Motors‚ Assistant Vice President for Marketing Services, sa PSA Forum kahapon sa Manila Pavilion, kung saan nakasama niya ang isa pang Mitsubishi official na si Arlan Antonio.

Si Roddick, kasalukuyang golden boy ng American tennis at si Hewitt ang dating world No. 1 ay minsang naghari sa meet noong kaagahan ng 1990 sa panahon na sila ay nakikibaka pa lamang bilang junior players sa circuit.

Ang posibilidad na makakita ng mga papasikat na tennis stars sa kasalukuyan ay magaganap sa Rizal Memorial Tennis Center sa pakikipaglaban ng mga kalalakihan at kababaihan mula sa Australia, Austria, Canada, China, France, Germany, Russia, Japan, Korea, United States, sa isa’t isa sa Marso 28 hanggang Abril 3.

At siyempre malaki din ang pag-asa ng mga Pinoy bets na hindi pa nanalo sapul nang huli itong mapagwagian ni Maricris Fernandez ang titulo noong 1995.

"This is not only a chance for our local tennis players to be given the exposure they needed, but also an opportunity to slug it out with the best in the world," dagdag pa ni Dytianquin sa sesyon na hatid ng Red Bull, Super-max, Circure at PAGCOR.

Nasa kategoryang Group 1 ng International Tennis Federation tourna-ment, ang event ay may ranggo sa pinakamataas na Group 1 meet sa Asya ngayon na hindi tataas sa tennis-craze countries tulad ng Thailand, Japan at Malaysia.

ANDY RODDICK

ARLAN ANTONIO

ASSISTANT VICE PRESIDENT

FROILAN DYTIANQUIN

INTERNATIONAL TENNIS FEDERATION

LLEYTON HEWITT

MANILA PAVILION

MARICRIS FERNANDEZ

MARKETING SERVICES

TENNIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with