3 pang PBA games sa abroad inaayos na
March 23, 2005 | 12:00am
Tatlo pang overseas games ang isinasaayos ng Philippine Basketball Association na bahagi ng kasalukuyang PBA Fiesta Conference.
Minamataan ng PBA ang Guam at dalawang Middle East Countries na dadalawin ng liga matapos ang matagumpay na overseas game sa Ja-karta, Indonesia, ang kauna-unahang out-of-the country na laro ng liga.
Ang laro sa Guam ay inaasahang maisasaayos ng PBA sa darating na Mayo na bahagi pa rin ng eliminations ng kasalukuyang reinforced conference.
Plano rin ng PBA na magkaroon ng laro sa Jeddah at Dubai ngunit posibleng mangyari ito sa quarterfinals na ng kasalukuyang kumperensiya.
Pumatok sa Jakarta ang isinagawang laban ng Talk N Text at Shell noong Marso 6 kung saan naging matagumpay ang Phone Pals at nais ng PBA na maduplika sa ibang bansa.
Kasalukuyang naka-break ang Fiesta Conference bilang pagbibigay daan sa Semana Santa at sa Marso 30 pa magpapatuloy ang aksiyon.
Samantala, inurong ang Pocket tournament na susukat ng kakayahan ng 21-man National team ni coach Chot Reyes sa Abril 17-19.
Sa limang inimbitahan ng PBA na lumahok sa naturang torneo, tanging ang Russia lamang ang makakasali matapos tumanggi ang mga Asian rivals ng bansa na Japan, Iran, Qatar at South Korea.
Ang torneo ay magsisimula sana sa Linggo ngunit napuwersa ang PBA at ang Basketball Association of the Philippines na kanselahin ito.
Samantala, dumating na sa bansa ang bagong import ng Alaska na si Dickey Simpkins kapalit ng mahinang si Leon Derricks.
Ang 69 na si Simpkins, 32-gulang ay beterano ng National Basket-ball Association kung saan tumagal ito sa Chicago Bulls.
Ipaparada ng Aces si Simpkins sa kanilang susunod na laban sa Cagayan De Oro City sa Marso 31. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended