^

PSN Palaro

PENITENCIA

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Nagsimula na ang Semana Santa kahapon at tiyak na marami ang magpepenitencia, marami ang magtitika sa kani-lang mga kasalanan, marami ang hindi na muna kakain ng baboy o karne, marami ang sasama sa prusisyon at iba pa.

Pero sa ating mga sports fans, partikular na ang mga boxing fans, isang malaking penitensiya ang ibinigay sa atin buhat sa Las Vegas kung saan natalo ang ating pambatong si Manny Pacquiao kay Erik "El Terrible" Morales sa unanimous decision.

Sa tutoo lang, marami ang nagsabi na kailangang patulugin ni Pacquiao si Morales kung hindi’y malamang na madisgrasya siya lalo’t kung ang mga scorecards ng judges ang aasahan. Pero hindi niya nagawa iyon at sa halip ay nabiktima pa siya ng head-butting.

Sa radyo lang napakinggan ng mga kababayan natin ang balita kahapon ng tanghali at talagang marami ang nalungkot. Kasi nga’y maagang nagsimba ang mga sports fans dahil Linggo ng Palaspas, maagang nananghalian upang matutukan ang laban ni Pacquiao. Pero laking disappointment lang ang inabot nila.

Hindi pa naman katapusan ng mundo para kay Pacquiao. Marahil ay wake-up call ito para sa kanya na lalong pag-ibayuhin ang pagsisikap at huwag nang kung anu-ano pang ibang aktibidades ang iniintindi. Kulang pa marahil ang panahong ginugol niya sa training.

Bagamat natalo si Pacquiao sa kanyang kalabang Mexicano, uuwi siya sa Pilipinas nang bayani pa rin. Kasi nga’y hindi naman convincing ang naging panalo ng kanyang kalaban, e.

At natural na ipagdarasal ng sambayanang Pilipinas na sa muling pag-akyat ni Pacquiao sa ring ay tagumpay muli ang kanyang aanihin.

Samantala, tutal penitencia na rin lang ang pinag-uusapan natin, pwede din bang penitencia ang magpasakit ng hinlalaki ng magkabilang kamay?

Aba’y kahit san kami pumunta’y nakikita namin ang mga kabataan, at pati na rin ang mga matatanda na nagte-text dahil sa 258 promo ng Smart. Kapag nag-register kasi sa 258 na ang halaga ay P60, unlimited texting ang kapalit sa loob ng anim na araw.

Hayun at lahat ng mensahe sa inbox ay ipino-forward sa mga kaibigang ang sim card ay Smart, Talk N Text o Addict Mobile. Libre, e!

Nananakit tuloy ang mga daliri natin ngayong Semana Santa.

Iyon ang ibig nating sabihin sa penitencia ng hinlalaki.

Nagpepenitencia tayo, pero napapasaya naman natin ang ating mga kaibigan. Hindi nga lang natin alam kung natutuwa ang pamunuan ng Smart.

Aba’y pwede naman palang unlimited texting sa halagang P60, e bakit ilan taon na tayong nagbabayad ng piso kada text?
* * *
Belated birthday greetings kay Lito Cinco na nagdiwang kahapon, Marso 20.

ADDICT MOBILE

EL TERRIBLE

KASI

LAS VEGAS

LITO CINCO

PACQUIAO

PERO

SEMANA SANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with