Pacquiao bukas sa rematch
March 21, 2005 | 12:00am
LAS VEGAS --Bagamat sugatan at nasaling ang ego dahil sa pesteng sugat sa kanang mata, nakuha pa ring ngumiti ni Manny Pacquiao nang dumalo ito sa post-fight interview sa MGM Grand ballroom.
Nakasuot ng dark shades suot ang Team Pac-quiao training uniform at dala ang maliliit na bandila ng Pilipinas, umakyat sa stage si Pacquiao habang tinatapu-nan ng katanungan si Mora-les.
At dahil kailangan niyang umalis upang magtungo sa ospital para matahi ang sugat, binigyan ng pagka-kataong makapagsalita ang Pinoy ring idol na tinanggap ng lahat ng nakapalibot sa kanya.
"Hello everybody. I hope you enjoyed the fight. I hope you enjoyed this fight," bungad niya.
Si Pacquiao na nakatayo sa pagitan ng kanyang pro-moter na si Murad Muham-mad at trainer Freddie Roach ay nagsabing kung hindi dahil sa sugat na iyon iba ang kalalabasan ng laban.
"The problem is the cut. I cannot see with my right eye anymore," ani Pacquiao na sumusulyap kay Morales habang nagsasalita.
"But I gave my best and I accept the decision. Thats part of the game," dagdag pa niya bago humingi ng paumanhin na aalis na.
Bago umalis sa stage, sinabi ni Pacquiao na nais niyang manatili sa super-featherweight (130lbs.) divi-sion at umaasang makaka-hirit ng rematch kay Morales.
Mula sa ospital, bumalik ng hotel si Pacquiao nagbi-his upang daluhan ang party na inihanda ng mga Pinoy dito.
Sinabi ni Roach na bukas si Pacquiao sa isang rematch.
"It was a great fight to watch. So lets do it again," aniya. (Ulat ni Abac Cordero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am