Pacquiao liyamado pa rin sa pustahan

LAS VEGAS -- Inaasahang daraan sa matinik na landas si Erik Morales sa kanyang pakikipagharap kay Manny Pacquiao sa Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa MGM Grand dito.

Sa bisperas ng pinakamalaking boxing match ng taon sa nga-yon, nanatiling liyamado ang Pinoy punching machine kontra sa slow starting Mexican sa kanilang nakatakdang 12-rounder sa 14,500 seat Garden Arena dito.

Nagsimulang paboran si Pacquiao noong naka-raang linggo pa at nana-tiling sa mata ng mga de kalidad na MGM odds-makers. Ang posibilidad na lumipat ang pagpabor kay Morales sa gabi mismo ng laban ay malabo na.

Mas pinili ng mga pumupusta si Pacquiao dito sa gambling capital ng mundo.

At ang bentahe ni Pacquiao, sa hula ng MGM Race at Sports Book, ay lalo pang umaakyat. Mula sa -125 (ibig sabihin ay tataya ka ng $125 kay Pacquiao para manalo ng $100) noong nakaraang linggo, lumaki pa ito sa -135 patungo sa 24 oras bago ang laban.

Ayon sa ulat, si Morales na nahirapan matapatan ang, 130 lbs limit, ay +115 underdog ($100 wager sa kanya ay mananalo ng $115) at kailangan pa ng maraming Mexican money sa ilalim ng kanyang pangalan para maisara ang pagkadehado. (Ulat ni Abac Cordero)

Show comments