^

PSN Palaro

41 venues para sa 43 events ng 23rd SEA Games

-
Magkakaroon ng 41-venues para sa kabuuang 43-events na paglalaban-labanan sa 23rd Southeast Asian Games na nakakalat sa Luzon at Visayas Region ngunit ang main hub ay ang Metro Manila na magtatanghal ng 25 events, 10 nito ay sa Lungsod ng Maynila.

Magkakaroon din ng events sa Quezon City (4), Pasig City (2), Parañaque (4), Makati City (2) at Marikina (1) habang host naman ang Muntinlupa ng shooting events at golf sa Cavite.

Mayroon ding events sa Subic (3), Angeles City (2), Lipa (1), Tagaytay City (2), at aquatics events sa Los Baños, Laguna.

Sa Southern region, magho-host ng anim na sports ang Cebu at limang sports ang Bacolod City.

Ang mga kalahok na bansa sa 10-day competition mula November 27 hanggang December 5 ay ang host country na Philippines, Brunie, Myanmar, Malaysia, Singapore, Thailand, Indonesia, East Timor, Vietnam, Cambodia at Laos.

Narito ang mga venues:

MANILA:
Rizal Memorial Sports Complex: athletics, baseball, softball, table tennis, tennis, wrestling; Jai Alai Fronton, Gymnastics San Andres Gym: Women’s Basketball; Luneta Grandstand: cycling-criterium, opening ceremonies.

QUEZON CITY:
Araneta Coliseum: men’s basketball finals; Amo-ranto Velodrome: cycling-sprint/pursuit at track events; La Mesa Dam, rowing, tradition boat race.

PASAY CITY:
Diosdado Macapagal Blvd. Athletics-20KM walk; Cuneta Astrodome: Billiards and Snookers.

PASIG CITY:
PhilSports Arena: badminton; Pasig Sports Center: fencing.

MAKATI CITY:
Makati Coliseum: men’s basketball eliminations; Makati Sports Club: squash.

MARIKINA :
Marikina Sports Plaza: women’s football.

PARAÑAQUE:
Casino Filipino: Arnis, body building, muay thai; Pearl Bowling Center: bowling.

MUNTINLUPA:
PSC-PNSA Shooting Range: pistol/rifle; PNPA Clay Target Range: trap and skeet.

CAVITE:
Riviera Golf and Country Club: golf; PNP Academy: practical shooting.

LOS BAÑOS, LAGUNA :
Trace Sports Complex: diving, swimming, water polo.

TAGAYTAY CITY:
Tagaytay: cycling-road race; Tagaytay City Convention center: chess.

LIPA CITY:
Mt. Malarayat Golf and County Club: equestrian

SUBIC:
Remy Baseball Field, archery; Subic Free Zone: canoe/kayak, sailing, triathlon.

ANGELES CITY:
Greenfield Resort: lawn balls, pentaque.

CEBU:
Danao City: cycling-mountain bike; Waterfront Hotel, Lahug, Cebu City: Dancesport, Judo; Mandaue Coliseum: Karatedo, pencak silat; University San Carlos gym, Sepak takraw; Cebu Coliseum: taekwondo.

BACOLOD CITY:
St. La Salle Coliseum: boxing; Panaad Park and Stadium, men’s football; University St. La Salle grounds, beach volleyball ; Negros Occ. Multi Purpose Center, indoor volleyball; Bacolod Convention Plaza Hotel weightlifting.
General Information System
Magkakaroon ng General Information System (GIS) sa lahat ng venues ng 41-events kung saan makukuha ang lahat ng kinakailangang impormasyon ng lahat ng mga partisipante sa 23rd Southeast Asian Games.

Inaasahang ilang buwan pa bago magsimula ang biennial meet sa November 27 hanggang December 5, magagawa na ng GIS na mag-process, integrate at I-manage ang mga impor-masyon ukol sa registration ng mga teams na kailangang gawin bago sumapit ang aktuwal na kompetisyon, ang billeting ng mga atleta at official, network ng mga volunteers at support crew, services at ng website.

Ang sistemang ito ay konektado sa International Information Service at International Broadcast Center ng games para sa mga media at broadcast personnel.

Sa aktuwal na kompetisyon, ang GIS ay may kakayahang lumikom at mag-report ng mga impormasyon, resulta ng mga laban mula sa iba’t ibang venues.

Maaaring makuha ang mga personal na impormasyon ng mga atleta na maaaring magamit ng PHILSOC, game officials, team members at iba pa.
Broadcast Partners
Tatlong television stations ang kokober sa iba’t-ibang venues para isa-ere ang 23rd Southeast Asian Games ng live at delayed basis sa kabuuan ng sampung araw na kumpetisyon.

Ito ay ang National Broadcasting Network, NBN-4; Radio Philippines Network, RPN 9; at ang Intercontinental Broad-casting Network, IBC-13.

Hindi bababa sa sampung Outside Broadcast Vans (OB Vans) at sampung Electronic News Gathering (ENG) units ang gagamitin sa coverage.

Maaaring mapanood ang aksiyon ng iba pang participating countries dahil maaaring I-access ang mga laro sa pama-magitan ng kumbinasyon ng terrestial microwave at satellite system sa International Broadcast Center.

ANGELES CITY

CENTER

CITY

EVENTS

GENERAL INFORMATION SYSTEM

INTERNATIONAL BROADCAST CENTER

MAGKAKAROON

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with