Cebu dancesports, pangmatagalan

Bago pa man pormal na magsimula ang Southeast Asian Games dito sa atin, may dalawang gintong medalya nang ipamimigay. Ito ay sa larangan ng ballroom dancing, o tinaguriang dancesport.

Gaganapin ang SEA Games dancesport competition sa Latin at Standard dances sa ballroom ng Waterfront Hotel sa Lahug, Cebu City. Ito ay isang napakalaking karangalan, lalo na kung iisipin nating halos tatlong taon pa lamang silang umaarangkada.

"Nagsimula ang lahat noong pangulo ako ng Rotary," salaysay ni Edward Hayco, director ng DanceSport Council of the Philippines (DSCP), at pasimuno -- kasama ng kanyang asawang si Eleanor -- ng dancesport sa Cebu. "Kinailangan naming matuto ng iba-ibang sayaw. From then, it kept on evolving."

Di nagtagal at ang maliit na grupong ito ay nag-wawagi ng paisa-isang medalya sa mga national tournament. Dito gumawa ng kakaibang kilos ang mag-asawang Hayco na patibayin ang kultura ng grupo. Mas pinili nila ang mga mananayaw na didikit sa grupo, at hindi lamang naghahangad na maka-kuha ng gintong medalya para sa sarili.

Matapos ang ilan pang buwan, napuna sila ng pamahalaang lokal ng Cebu, at isa na sila ngayon sa limang priority sports ng lungsod.

"Alam naman nating lahat na kilala na ang Cebu sa basketbol at boksing," paliwanag ni Jonathan Guardo, -- na siyang namumuno sa Cebu City Sports Commis-sion. "We want to promote something new, a sport wherein we can be known, not just nationally but international, as well."

Noong Disyembre, namakyaw ng medalya ang DanceSport Team Cebu City sa national ranking tournament ng DSCP. Nakuha nila ang 17 sa 23 gin-tong nakataya. Kasunod nito, ang siyu-dad ay nahirang na punong-abala sa dancesport competition sa SEA Games. Subalit hindi lamang iyan ang kanilang puntirya.

"When will we host the SEA Games again?" tanong ni Patrick Gregorio, pinuno ng Cebu Visitors Conventions Bureau. "The biggest tourism events worldwide are sporting events. If we put up the Cebu Open International Dance-Sport Competition, and the community supports it, I don’t see any reason why we can’t do it every year."

Balak ng DanceSport Team Cebu City at mga kaalyado nito na magsa-gawa ng isang patimpalak pagkatapos ng kanilang sagupaan sa SEA Games. At bakit hindi? Naroroon na lahat ng kailangan sa November 27.

Madali nang magpadala rito ng iba pang mga mananayaw para sa susunod na araw. Pagkakataon para maitatak sa mapa ng dancesport ang Cebu, at buong Pilipinas.

Show comments