Walong buwan na lamang ang natitira bago ang aktuwal na pagta-tanghal ng biennial meet na gaganapin sa November 27 hanggang Decem-ber 5, ibinalita ng PHIL-SOC na pinangungunahan ni chairman Obet Pagdanganan na P300M ng P640M ay manggagaling mula sa gobyerno at ang P340M ay mula sa pribadong sector ngunit hindi tinukoy kung anu-anong mga kumpanya ito.
Sa ikalimang pagkakataong inilunsad ang SEA Games hosting sa Dragon Gate Restaurant sa Roxas Boulevard kahapon inihayag ang final venues ng 41 events kung saan 388 gintong medalya ang paglalabanan ng 11-bansa.
Bukod kay Pagdanga-nan, naroroon din si First Gentleman Mike Arroyo, Philippine Olympic Committee president Peping Cojuangco at Philippine Sports Commission Officer-In-Charge Butch Ramirez kasama ang ilang Senador, ilang miyembro ng House of Representatives, National Sports Association heads, mga Mayor ng host cities.
Inilunsad din ang official logo ng 2005 games halaw sa simbolo ng Mascarra festival at ang official mascot na Agila at ang Theme song na pinamagatang Were All Just One na nilikha ni Jose Mari Chan.