^

PSN Palaro

PHILSOC nakalikom pa ng P640M

-
Kasabay ng magarbong presentasyon ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee upang ipakita na nasa kasagsagan na ang paghahanda ng hosting ng 2005 SEA Games, inihayag ng PHILSOC na may nakuha na silang P640 milyong pangako, kalahati ng P1.2 bilyong kailangan nilang likumin mula sa local sector lamang.

Walong buwan na lamang ang natitira bago ang aktuwal na pagta-tanghal ng biennial meet na gaganapin sa November 27 hanggang Decem-ber 5, ibinalita ng PHIL-SOC na pinangungunahan ni chairman Obet Pagdanganan na P300M ng P640M ay manggagaling mula sa gobyerno at ang P340M ay mula sa pribadong sector ngunit hindi tinukoy kung anu-anong mga kumpanya ito.

Sa ikalimang pagkakataong inilunsad ang SEA Games hosting sa Dragon Gate Restaurant sa Roxas Boulevard kahapon inihayag ang final venues ng 41 events kung saan 388 gintong medalya ang paglalabanan ng 11-bansa.

Bukod kay Pagdanga-nan, naroroon din si First Gentleman Mike Arroyo, Philippine Olympic Committee president Peping Cojuangco at Philippine Sports Commission Officer-In-Charge Butch Ramirez kasama ang ilang Senador, ilang miyembro ng House of Representatives, National Sports Association heads, mga Mayor ng host cities.

Inilunsad din ang official logo ng 2005 games halaw sa simbolo ng Mascarra festival at ang official mascot na Agila at ang Theme song na pinamagatang ‘We’re All Just One’ na nilikha ni Jose Mari Chan.

ALL JUST ONE

DRAGON GATE RESTAURANT

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

HOUSE OF REPRESENTATIVES

JOSE MARI CHAN

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

OBET PAGDANGANAN

PEPING COJUANGCO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SOUTHEAST ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with