Painit na ng painit ang Pacquiao-Morales bout

Malapit na ang laban ni Manny Pacquiao. At marami ang nananabik at naghihintay sa pakikipagsapalaran na ito ni Pacman kay Erik Morales sa Marso 19 (Marso 20 sa Manila).

Katunayan, ang mga Manila-based writers na nagtungo sa Las Vegas, Nevada ay nag-eenjoy sa kanilang coverage doon dahil maraming materyales na puwedeng isulat. Kay Pacquiao pa nga lang, eh kulang na ang mga espasyo ng mga pahayagan, eh di lalo na kung may bukod na istorya pa ito tungkol kay Morales.

Kaya nga pati na rin sa brand ng boxing gloves na gagamtin ay naging isyu.

Pero, malaking usapin talaga ito dahil nga siyempre hiyangan din ang pagsuot ng isang bagay.

At sa usaping ito, naka-iskor si Morales dahil pinanigan ng Nevada State Athletic Commission, ang brand na hiling ni Morales.

Ayon naman kay Pacquiao, hindi siya papaapekto sa isyu ng pagsuot ng kung anong brand ng boxing gloves ‘wag nga lang itong may bakal o blade kakasa pa rin ang Pinoy idol.

Oo nga naman!
* * *
Marami ang nage-email at tumawag dito sa office kung ipapalabas daw sa TV ang laban ni Pacquiao kay Morales.

Yes, sa pangakong suporta ni Manny Pangilinan ng PLDT-Smart at ng Solar Sports masasaksihan ng milyung-milyong Pinoy ang pinakahihintay na laban ng taon ng kanilang bayani na si Pacquiao sa Marso 20 sa RPN-9. Ito ay magsisimula sa alas-10 ng umaga.

So habang nanonood tayo o bago pa man ang laban ni Pacquiao, ipagdasal nating manalo siya.
* * *
Sa Huwebes, Marso 17, ipagdiriwang namin dito sa Pilipino Star Ngayon ang ika-19th anibersaryo ng ating pahayagan.

Imagine 19 years na tayong magkakakasama. O well, sana naman tumagal pa lalo at tumibay ang ating pagsasama.

Salamat sa inyong patuloy na pagpapatnubay at pagsuporta sa Pilipino STAR Ngayon.

Show comments